- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Isang kabuhayan mula sa bunot itinataguyod ng OCVAS
- Details
- Tuesday, 22 May 2018 - 5:08:43 PM
Isang bagong livelihood project ang isinusulong ngayon ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services (OCVAS) - ito ay ang coco coir twining and weaving na ang produkto ay coconet mula sa bunot at ginagamit bilang proteksyon sa soil erosion.
Isang seminar tungkol dito ang isinagawa ng OCVAS noong May 15-18 kung saan lumahok ang may 30 residente buhat sa pitong barangay na pinagkalooban ng makinaryang panggiling ng Department of Agriculture. Ang mga barangay na ito ay ang Talumpok Kanluran, Banaba South, Pinamucan Ibaba, Maruclap, Talahib Payapa, Talahib Pandayan, at Sto. Nino kung saan maraming tanim na puno ng niyog na pinagkukunan ng bunot na siyang ginagamit sa paghabi.
Naging resource speaker/trainor ng seminar si Ben Garlito mula sa Villar Foundation.
Ayon kay Garlito, ang coco coir weaving ay magandang pagkakitaan dahil bukod sa maraming mga bunot sa bundok na hindi na bibilhin pa, ay may sigurado ring merkado ang produkto. Aniya, ang coconet ay ginagamit ng DPWH at pribadong contractor na panlatag sa mga sloping surfaces bilang proteksyon sa pagguho ng lupa sa kanilang mga ginagawang proyekto. Ginagamit din ito sa mga landscaping, hanging plant box, door mat at sa iba pang beautification projects.
Nakahanda ang OCVAS na suportahan ang mga magpapatuloy sa proyektong ito, kung saan ipagagamit ng libre ang kanilang twining at weaving machines. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.