- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
PBA All-Star, nag outreach activities sa ilang ospital at barangay
- Details
- Friday, 25 May 2018 - 12:58:47 PM
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga taga Batangas City na makahalubilo ang mga PBA players sa kanilang mga naging outreach at meet- and -greet activities ng dumating sila sa lungsod para sa second leg ng 2018 PBA All-Star series sa May 25 sa Batangas City Sports Center.
Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga sikat na manlalaro ng Magnolia Hotshots, Alaska Aces, San Miguel Beermen, Ginebra San Miguel, Rain or Shine Elasto Painters, Global Port, Phoenix Fuel Masters, Meralco Bolts, Blackwater Elite, NLEX Road Warriors at Columbian Dyip.
Ayon kay PBA Commissioner Willy Marcial na isa ring Batangueno, ang kanilang pagdating sa lungsod ay isa na ring pasasalamat sa kanyang mga kababayan sa walang sawang suporta ng mga ito sa PBA.
Una rito ay nagmotorcade ang PBA All Stars sa loob ng poblacion kasama si Congressman Marvey Marino. Bumisita din sila sa Station A ng medical ward ng Batangas Medical Center at sa EBD ward ng Jesus of Nazareth Hospital at namahagi ng goodies sa mga pasyente dito bilang bahagi ng kanilang programang “Alagang PBA”.
Natuwa ang mga residente ng Plantex, Barangay 4, barangay Cuta, Sitio Acacia ng barangay Calicanto at barangay Sampaga sa pagdalaw ng mga sikat na PBA players sa kanilang lugar. Namigay din sila ng bola sa mga kabataan at namahagi ang Rain or Shine ng mga pintura para sa basketball court ng mga nasabing barangay.
Hindi din magkamayaw ang mga basketball fans sa SM City Batangas na nagkaraoon ng pagkakataon na makapagpapicture sa kanilang mga idolo sa isinagawang Meet and Greet ng grupo.
Magtutunggali ang mga manlalaro ng Luzon All Stars at Smart PBA All Stars sa simula ng laro sa ganap na ika pito ng gabi. Bago ito, gaganapin sa 4:30 ng hapon ang mga side-events kagaya ng Obstacle Challenge, Three Point Shootout at slamdunk competition. Ang dating MVP na si Asi Taulava ang mangunguna sa mga big players sa Obstacle Challenge. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.