- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Civil engineering student nahalal na SK Federation president
- Details
- Wednesday, 30 May 2018 - 2:50:00 PM
Nanumpa sa katungkulan sa harap ni Mayor Beverley Dimacuha ang mga bagong halal na Sangguniang Kabataan (SK) Federation officers sa Batangas City sa pangunguna ni SK Federation President Majoe Manalo, fifth year civil engineering student ng Batangas State University.
Nahalal bilang pangalawang pangulo si Nelvin Perlada ng brgy Dumantay; kalihim si Alyssa Panaligan, Pob. 17; ingat-yaman- Jordan Magtibay, brgy. Sta. Clara; auditor- Joyce Aguilar ng Pinamucan Proper; PRO-Von Ayap, Sta. Rita Karsada at sgt. at arms –Aristotle Cepillo mula sa brgy. Ilijan.
Labis ang kasiyahan at pasasalamat ni SK Federation President-elect Manalo ng barangay Haligue Kanluran sa pagtitiwala at suporta sa kanya ng mga SK chairmen. Marami aniya siyang plano at programang nais ipatupad sa mga kabataan sa lahat ng barangay. Bago ang lahat, una niyang nais gawin ay mapaigting ang pagkakaisa ng mga ito.
Mahalaga sa kanya ang edukasyon kung kayat prayoridad niya na matulungan ang mga kapos palad na makapag aral sa pamamagitan ng pagkakaroon ng access sa mga scholarship programs ng mga publiko at pribadong organisasyon upang maiangat ang kanilang buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan. “Marami po akong plano, in line sa mga kapus palad na kabataan, hihikayatin ko po sila na magpatuloy sa pag-aaral, lakasan lamang ang kanilang loob at huwag mahiyang humingi ng tulong sa mga nagkakaloob ng scholarship programs,” dagdag pa ni Manalo.
Hangad ni Manalo ang kooperasyon ng mga SK officials at ang pagiging bukas ng mga ito sa kanya lalo na sa kanilang pangangailangan. “Sana po ay buddy-buddy lang kami lahat, para maipaalam nila ang mga problema sa kanilang barangay para mapag-aralan at mabigyang solusyon,” sabi ni Manalo. Ipinahayag din niya na magiging boses siya ng kabataan sa city council kung saan magiging aktibo siya sa pagdalo sa sesyon at pakikilahok sa mga talakayan. Hindi rin aniya siya mahihiyang magtanong at humingi ng tulong sa mga konsehal kung kinakailangan.
Isa lamang barangay na walang tumakbong SK chairman noong nagdaang barangay at SK elections- Barangay 16- ang hindi nakalahok sa SK Federation election nitong May 29 sa Teachers’ Conference Center. Ito ay pinamahalaan ng Department of Interior and Local Government sa Batangas City kung saan tumayong election supervisors sina COMELEC Officer Grolen Liwag, Sangguniang Panlungsod Secretary Olive Telegatos at Cluster Head (DILG Districts 1, 2 and 5) Nerissa Contreras. Naging panel observer si Batangas City PNP Chief, P/Supt Sancho Celedio (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.