- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
3 magna cum laude nanguna sa 2018 CLB graduates
- Details
- Friday, 08 June 2018 - 5:33:00 PM
Tatlo ang naging magna cum laude sa 11th commencement exercises ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) noong June 7 sa Batangas City Convention Center kung saan may 180 city government scholars ang nagtapos.
Sila ay sina Phoebe Joyce Dimaano, Ma. Eloisa Carag na kapwa nagtapos ng Bachelor in Elementary Education at si Christian Ebreo na kumuha naman ng Bachelor of Science in Business Administration.
Sa kanyang farewell address, emosyonal na ipinahayag ni Dimaano ang kahirapan ng buhay na naranasan ng kanyang pamilya at ang sakit ng pagkaitan ng suporta ng ilang taong inaasahan nilang tutulong sa kanila. Nais niyang maging isang engineer subalit dahilan sa kahirapan, pinili niyang maging isang guro sa CLB upang makapagtapos ng pag-aaral.
“Sa kadilimang naranasan ko, sa CLB ko nakita ang kagandahan ng buhay,” sabi ni Dimaano. At sa pamamagitan ng CLB at sa kanyang pagsisikap, “ang isa sa mga sweetness na ipinagkaloob ng Diyos ay ang karangalang ito.”
Hindi niya nakalimutang pasalamatan si dating Mayor Eduardo Dimacuha na siyang nagtatag ng CLB upang mabigyan ng pagkakataong makatapos sa pag-aaral ang mga kapospalad subalit karapatdapat na mga mamamayan ng lungsod.
Naging commencement speaker si Hon. Dorcas Ferriols-Perez, executive judge ng Regional Trial Court, Batangas City, kung saan ibinahagi niya ang 4F’s na mahahalagang bagay sa kanyang buhay. Ang mga ito ay ang failure, forgiveness, friendship at family.
Ayon sa kanya, ang failure ay hindi maiiwasang parte ng buhay subalit ito ay dapat tanggapin upang maging mas mahusay ang isang tao. “Learn from each failure and you will become wiser.”
Kailangan ding patawarin ang sarili kapag nagkamali at ang ibang taong gumawa ng mali sa iyo. “Forgiving others is not about them but how much a better person you have become.”
Binigyang halaga rin niya ang friendship at family at kung papaano ang mga ito sumusuporta at nagpapaligaya sa isang tao sa lahat ng oras.
“Believe in what you can achieve, make a positive change in the community and make your family, school, and city proud,” ang payo ni Perez sa mga nagsipagtapos.” Hindi rin aniya treasures ang mga material na bagay kagaya ng pinapangarap na bahay, sasakyan, mga gadgets. “You are the real treasure and must be shared with the world.”
“My challenge to the 2018 graduates of CLB is to live out your dreams, embrace the uncertainties of life and rise to meet your own unique destiny,” sabi ng executive judge.
Ang paggawad ng certificates sa graduates ay ginampanan nina Congressman Marvey Mariño, Mayor Beverley Rose Dimacuha kasama sina Judge Perez at si Dr. Lorna Gapi, CLB college administrator.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.