Mary Angeline De Loyola Portugal, Miss Batangas City Foundation Day 2018

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isang personalidad mula sa angkan ng mga politiko ang nahirang na Miss Batangas City Foundation Day 2018.

Siya ay si Mary Angeline De Loyola Portugal, 18, nag-iisang anak na babae ni dating Batangas City Councilor Eloisa De Loyola- Portugal at dating Taysan Mayor Dondon Portugal. Apo rin siya ni dating Batangas City Vice Mayor at Batangas Board Member Florencio de Loyola at ng naging mayor din ng Taysan na sina G. at Gng. Victor at Anacoreta Portugal. Kasama rin sa kanyang political lineage ang kanyang mga tiyo na sina Joel at Ian Portugal na dati at kasalukuyang konsehal ng nasabing munisipalidad.

Si Mary Angeline ay nagtapos na 2nd honor sa senior high school sa Stonyhurst Southville International School at ngayon ay incoming freshman sa kursong BSC-Financial Management sa Enderun Colleges, Taguig City.

Siya ang counterpart ng kanyang inang si Eloisa na naging Miss Batangas City Foundation Day 1991.

Idinaos ang “pamanhikan” sa tahanan nila Mary Angeline sa Nueva Villa Subdivision, Alangilan kagabi ng Lunes, kung saan hiniling ng delegasyon ng city government sa pangunguna ni Mayor Beverley Dimacuha ang pagsang ayon niya at ng kanyang pamilya sa pagkakapili sa kanya sa prestigious role na ito. Kasama ng Mayor dito ang mga miyembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee (CAC) at department heads ng city government.

Bilang Ms. Batangas City Foundation Day, si Mary Angeline ay magiging tampok sa harana sa kanya, parada at ilang pang cultural activities sa pagdiriwang ng makasaysayang araw na ito ng lungsod. Siya ay ipakikilala sa publiko pagkatapos ng Misa Pasasalamat sa Foundation Day sa July 23. (PIO Batangas City)