- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Bb. Lungsod ng Batangas 2019 candidates ipinakilala sa publiko
- Details
- Thursday, 27 December 2018 - 4:16:45 PM
BATANGAS CITY Pormal na ipinakilala sa publiko noong ika-27 ng Disyembre ang 20 naggagandahang kandidata sa Bb Lungsod ng Batangas 2019 sa pamamagitan ng isang motorcade sa loob ng poblacion.
Ito ay sinundan ng press conference sa Batangas City Convention Center kung saan higit na nakilala ng local media ang mga beauty contestants.
Ayon sa mensahe ni Cultural Affairs Committee Vice-Chairman Eduardo Borbon, espesyal ang pagdaraos ng Bb Lungsod ng Batangas ngayong 2019 at maituturing na mapalad ang magwawagi dito dahil sa ito ang ika-30 taon ng pagtatanghal ng naturang prestihiyosong beauty pageant kaalinsabay ng Golden Jubilee ng Founding Anniversary ng lungsod ng Batangas sa Hulyo.
Binigyang diin niya na naiiba ang patimpalak pagandahan na ito sapagkat binibigyang puntos dito ang katauhan ng kandidata na di tulad ng ibang patimpalak na paramihan ng makakalap na pondo para sa pagpapatayo ng mga proyekto.
Ilan sa mga isyung binato sa mga kandidata ay kung ano ang kanilang opinion sa isyu ng bullying at sa mga problemang kinakaharap ng mga kabataan tulad ng teenage pregnancy at depression.
Nagpahayag din sila ng paghanga kay Mayor Beverley Dimacuha bilang isang babae at ina ng lungsod. At kung mabibigyan sila ng pagkakataon na makausap si Mayor, isusulong nila ang gender equality, child protection at pangangalaga sa kapaligiran.
Ilan naman sa kanilang magiging advocacy kung sakaling papalaring manalo ay ang pagsusulong sa responsible use ng social media, pangangalaga sa mga streetchildren at pagpapalaganap ng edukasyon sa mga kabataan.
Naging early favorites ng mga lokal na mamamahayag sina contestant number 3 – Dharlyn Marcial ng barangay Talumpok, # 8 Jushua Mae Bobadilla ng Tabangao Dao, # 16 Corine Luidee Delgado at # 20 Gwen Johan Gui kapwa taga barangay Alangilan.
Samantala, handa na ang mga gawain sa pagdiriwang ng Batangas City Fiesta celebrations 2019 sa temang “Ginintuang Tagumpay sa ika-50 taon ng Lungsod ng Batangan!”.
Highlight ng selebrasyon ang Sto Nino ng Batangan Fluvial procession sa Calumpang River sa ika-7 ng Enero bilang pagpupugay ng mga Batangueno sa Mahal na Patron.
Kaalinsabay nito ang Alay sa Sto Nino cultural presentation sa Batangas City Convention Center na tatampukan ng mga mag-aaral mula sa ibat-ibang paaralan sa lungsod. Ito ay may temang “Ginintuang Alay sa Sto Nino”.
Gaganapin naman sa January 9 ang Children’s Art Competition sa Teachers Conference Center.
Sa ika pito ng gabi ng January 11 ang paborito ng mga kabataan na Battle of the Bands sa Amphitheater ng Plaza Mabini.
Mula January 12-16 mapapanood ang Photo Contest at Children’s Art Exhibit sa SM City Batangas.
Magpapakitang gilas naman ang mga kandidata sa Bb Lungsod ng Batangas 2018 sa Talent Show na gaganapin sa Batangas City Convention Center sa January 13.
Kokoranahan sa ika-15 ng Enero sa Batangas City Sports Coliseum ang pinakamagandang dilag sa pinaka-aabangang Bb Lungsod ng Batangas Quest 2019. Ito ay tatampukan ng mga sikat na artista sa telebisyon at pelikula.
Sa mismong araw naman ng Kapistahan sa January 16 isasagawa ang parade na magsisimula sa Batangas City Sports Coliseum grounds.
Magsasagawa ng Handog ni Mayor Beverley Rose Dimacuha: Trabaho para sa mga taga-lungsod ng Batangas sa Batangas City Convention Center sa ika-19 ng Enero. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.