Dos and dont’s para sa mga botante

  1.jpg

Isang simulation exercises sa bombing incident ang isinagawa ng Batangas City PNP, April 12, sa SM City Batangas kung saan sinukat sa real time ang bilis ng pagresponde ng mga concerned government agencies matapos mataggap ang tawag tungkol sa insidente.

Ayon sa itinalagang Incident Commander na si PMaj Richard Natividad, mabilis ang pag responde ng mga konsernadong ahensya dahil base sa scenario, 7:02 ng umaga ng maganap ang pagsabog sa may parking area na terminal ng mga pampasaherong sasakyan ng SM. Kaagad itong nagbuo ng Incident Command System (ICS) na namahala sa insidente. Makalipas ang 10 minuto ay dumating naman ang mga tauhan ng Batangas City PNP, iba pang responders at mga rescue vehicles at inilipat ng SM ang ICS sa mga ito. 7:40 ng umaga o pagitan ng 38 minutes ay dumating naman ang Explosive Ordinance Disposal (EOD) unit na siyang namahala sa bomb disposal.

Kabilang sa mga rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC), City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), Bureau of fire Protection, Philippine Coast Guard, City Health Office (CHO) at Public Information Office (PIO).

Sinabi rin ni Maj. Natividad na naging maganda din ang koordinasyon ng bawat ahensya sa pagtugon sa insidente.

Nagpasalamat naman sina SM Building Administrator Stephen Cua at Security Head Emanuel Aquino sa isinagawang simulation exercise na anila ay nagbigay kaalaman lalo’t higit sa kanilang security personnel sa pagresponde sa ganitong insidente. Nais nila na maulit pa ang ganitong gawain upang mapalakas pa ang kanilang kahandaan. PIO Batangas City)