- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
E-Trikes ilulunsad sa Batangas City upang mabawasan ang polusyon
- Details
- Thursday, 02 May 2019 - 9:39:00 AM
BATANGAS CITY-Pag-aaralan ng pamahalaang lungsod ang posibilidad ng paglulunsad ng electric tricycle sa lungsod sa layuning magkaroon ng energy efficient at environment-friendly na mga sasakyan.
Ito ay matapos lumagda sa isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa paglulunsad ng E-Vehicle Initiative ang pamahalaang lungsod sa pamamagitan ni Mayor Beverley Rose Dimacuha at ang First Gen Power Corporation na kinatawan ni Vice President Ramon Araneta noong April 29.
Ayon kay City Planning and Development Coordinator Januario Godoy, ang naturang proyekto na inisyatibo ng First Gen Renewables Inc, sister company ng First Gas Power Corporation, ay inaasahang magiging “simula ng electric tricycle industry na posibleng maging programa ng pamahalaang lungsod.”
Ito aniya ay bilang suporta sa renewable energy program at local climate action plan upang mabawasan ang air pollution at carbon emission ng mga sasakyan.
“Mas maliit ang maintenance cost ng e-trike at mas mahaba ang life span kumpara sa mga conventional na tricycle. Mas marami ding pasahero ang pwedeng isakay dito,” dagdag pa ni Engr. Godoy.
Sinabi pa niya na mayroon ding ganitong programa ang Department of Energy (DOE) kung kayat posibleng pag-aralan din kung pwedeng pag isahin ang DOE program at ang local initiative.
Ipinabatid ni Mr. Araneta na magbibigay ng limang e-trikes ang First Gen bilang pilot vehicles ng proyekto.
Magsisimula ang proyektong ito sa creation ng Technical Working Group (TWG) na siyang magsasagawa ng pag-aaral sa feasibility at profitability ng E-Trike. Pag-aaralan din kung saang ruta, linya at kooperatiba o Tricycle Operators Drivers Association papasok ang mga sasakyang ito, kung paano ang maintenance, saan ang magiging charging station at iba pa.
Ang TWG ay bubuuin ng Mayor bilang chairman, City Environment and Natural Resources Office, Transportation Development and Regulatory Office (TDRO), City Planning and Development Office (CPDO) at iba pang konsernadong ahensya, First Gas at Meralco para sa charging station.
Inaasahan na sa buwan ng Hunyo ay masisimulan na ang pag-aaral habang ang MOU ay tatagal ng tatlong taon.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.