- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
May 36,948 mag-aaral mula sa 82 public elementary schools sa Batangas City ang tumanggap ng bags na naglalaman ng school supplies mula sa pamahalaang lungsod ng Batangas
- Details
- Friday, 24 May 2019 - 4:00:00 AM
Pinangunahan nina Mayor Beverley Dimacuha at Congressman Marvey Mariño ang school supplies distribution sa mga incoming kinder - grade 6 students ng mababang paaralan ng Julian Pastor o JAPMES, Pinamucan at Kumintang Ibaba noong ika-24 ng Mayo.
Bakas ang kasiyahan sa mukha ng mga bata gayundin sa mga magulang na lubos ang pasasalamat sa ipinagkaloob sa kanila na munting regalo ng lokal na pamahalaan. Ang isang bag ay naglalaman ng notebooks, papel, pencil case na may lapis at eraser, water bottle at kapote.
Ayon kay Ronalyn Arcega, magulang ng kinder at grade 4 student sa Pinamucan ES, taon-taon aniya silang nakakatanggap ng school supplies kung kayat malaking kabawasan ito sa kanilang gastusin sa pagbubukas ng klase sa ika- 3 ng Hunyo.
Nagpaabot ng taos pusong pasasalamat si Leodivina Bauan, school principal ng Pinamucan ES sa ngalan ng kanilang humigit kumulang na 500 mag-aaral.
Bago simulan ang distribution na nasabing paaralan, nagbigay ng mensahe si Mayor Dimacuha kung saan binigyang diin niya na bagamat hindi tungkulin ng pamahalaang lungsod na mamigay ng gamit pang eskwela, ginagawa aniya nila ito taun-taon upang matulungan ang mga magulang lalot higit yaong maraming anak na pinag-aaral. Tanging hiling aniya sa mga ito ay mabigyan ng disiplina at maturuan ang kanilang mga anak ng magandang asal.
Siniguro naman ni Cong Marino na lahat ng pondo ng ikalimang distrito ay mapapakinabangan ng taumbayan sa pamamagitan ng ibat-ibang proyekto at programa.
Dumalo sa naturang pamamahagi ang mga school at barangay officials ng mga nabanggit na barangay.
Kaalinsabay ng nabanggit na pamamahagi ay ang taunang programang Brigada Eskwela na isinasagawa sa ibat-ibang paaralan na naglalayong muling maisaayos ang mga gamit pampaaralan at pagkukumpuni ng mga ito, pati na rin ng paglilinis ng mga silid-aralan at ng school premises.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.