- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mayor Dimacuha tumanggap ng award sa malaking suporta sa scouting movement
- Details
- Monday, 17 June 2019 - 4:33:00 AM
Ginawaran ng certificate of recognition ng Boys Scout of the Philippines si Mayor Beverley Rose Dimacuha dahilan sa malaking suporta at walang sawang serbisyo na ipinagkakaloob nito sa matagumpay na implementasyon ng scouting program sa lungsod gayundin sa pagpapalaganap at pagkamit ng mission at vision ng BSP.
Ang sertipiko ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni BSP National President Wendel Avisado.
Ang awarding ay ginanap sa Capitol Convention Center ng Pili, Camarines Sur noong ika-29 ng Mayo sa okasyon ng National Court of Honor.
Ayon kay Batangas City Council Scout Executive Guilbert Alea na tumanggap ng parangal para kay Mayor Dimacuha, malaking karangalan ito sapagkat dalawa lamang sa Southern Tagalog ang binigyan na nabanggit na pagkilala.
Malaking puntos aniya ang suporta ng pamahalaang lungsod sa tagumpay ng scouting movement sa Batangas City.
Tumanggap din ng pagkilala sa tatlong magkakasunod na taon ang Boy Scouts of the Philippines – Batangas City Council for Best Performance in Council Administration for Class “D” Councils for the Lorillard Spencer Award. Ang Class D Council ay binubuo ng 20,000 pababa na mga miyembro.
Ang awarding ay ginanap noong May 31 sa 63rd Annual National Council meeting sa Camarines Sur Convention Center sa Pili Camarines Sur.
Bukod sa administration, naging batayan din sa paggagawad ng parangal ang scouting activities, events, seminars at trainings.
Sinabi ni Alea na hangad nilang mas madagdagan pa ang kanilang miyembro at hinikayat ang mga magulang na ilahok ang kanilang mga anak sa scouting upang magkaroon ng kasanayan sa pagiging lider ng bansa sa hinaharap. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.