- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Pope’s Day ipinagdiwang sa Batangas City
- Details
- Saturday, 29 June 2019 - 11:07:00 AM
BATANGAS CITY-Sa unang pagkakataon , ipinagdiwang ang Pope’s Day at Feast Day nila Santo Pedro at Pablo sa Batangas City, June 29, kung saan ito ay ginanap sa Basilica ng Inmaculada Concepcion sa pangunguna ni Lipa Archbishop Gilbert Garcera. Ang araw ding ito ang Episcopal anniversary ng Arsobispo.
Bago ito sinalubong si Arch. Garcera nila Congressman Marvey Mariño, Mayor Beverley Rose Dimacuha at ng Sangguniang Panglunsod sa harap ng City Hall kung saan naganap ang isang seremonya.
Lumahok din dito ang mga estudyante buhat sa pitong paaralan sa lungsod at isa sa Bauan.
Sa Office of the Mayor, nagkaroon ng exchange of gifts sina Mayor Dimacuha at ang Archbishop kung saan ipinagkaloob ng Mayor sa kanya ang Key to the City at isang imahe ng Sto. Niño, ang Mahal ng Patron ng lungsod . Ibinigay naman ni Arch. Garcera ang Papal Blessing kay Mayor Beverley.
Kasunod nito ay idinaos ang seremonya at Banal na Misa sa Basilica.
Ang isang basilica ay itinuturing na simbahan ng Sto. Papa kung saan nakalagak ang umbracullum ng papa at upuan na ginamit ni Pope Francis noong bumisita siya sa Pilipinas noong January 2015.
Sa kanyang homiliya, inilahad ni Arch. Garcera ang mga mensahe ni Pope Francis para sa Pilipinas ng siya ay bisitahin niya at ng mga kasamang obispo sa Roma noong June 7 ng taong ito.
Ang unang mensahe ng Papa ay ang pagpapasalamat niya sa mga Filipino sa pagtawag sa kanya ng Lolo Kiko ng bumisita siya sa bansa noong 2015.
Ang pangalawa ay ang papuri sa pagiging evangelizer ng mga Pinoy kahit sa labas ng bansa kagaya ng ikinuwento ng Papa na isang Pinay na katulong sa Italia kung saan ang nagsisilbing lullaby niya sa inaalagaang bata ay ang awit sa Tagalog na The Lord’s Prayer o Our Father na nakatawag ng pansin ng mga magulang ng bata.
Sa mga akusasyon sa kanya na siya ay heretic, sinabi ni :Pope Francis na ito ay hindi totoo sapagkat ang kanyang paniniwala ay nakasaad sa Congregation of the Doctrine of the Faith. Ipinagdarasal din niya ang mga tumatawag sa kanya ng heretic sapagkat aniya, hindi nila alam ang kanilang sinasabi. “ Iam at peace with God, I am at peace with myself,” sabi ng Papa.
Hiling din ng Papa na lagi siyang ipagdasal.
“Ipagpatuloy natin ang pagkilala sa kagandahang loob ng Diyos at ipagdasal natin ang Sto, Papa na siyang namumunong haligi ni San Pedro, ” pagwawakas ng Arsobispo sa kanyang homiliya.
Naging bahagi rin ng seremonya ang pagbibigay ng Arsobispo ng kanyang Zucchetto o skullcap sa Mahal na Birhen ng Immaculada Concepcion , na siyang ginamit niya ng makipagpulong siya kay Pope Francis at noong magmisa siya sa puntod nila San Pedro at Pablo. Kasama ng Arsobispo dito ang mga miyembro ng Cofradia dela Inmaculada Concepcion.
Pagkatapos ng Misa, isinagawa ang unveiling ng markers sa itaas ng main door ng simbahan na ginampanan nila Cong. Mariño, Mayor Dimacuha, Arch. Garcera, Msgr. Ruben Dimaculangan, Vicar General , Archdiocese of Lipa, Rev. Fr. Aurelio Oscar Dimaapi, parish priest ng simbahan, at Ms. Bel Bejasa na siyang kitawan ni Gov. Hermilando Mandanas.
Ang tatlong markers na ito ay mga Eskudo ng Sto. Papa na isa sa mga pribilehiyo na kalakip ng pagiging Basilica ng isang simbahan, Eskudo ng Arsidiyosesis ng Lipa at Eskudo ng Basiica Menor ng Inmaculada Concepcion. ( PIO Batangas City )
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.