Papuon para sa lungsod dinagsa ng mga deboto

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg 46.jpg 47.jpg 48.jpg 49.jpg 5.jpg 50.jpg 51.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg


BATANGAS CITY-Ang Papuon ay isang relihiyosong tradisyon na hindi nawawala sa ma Batangueño kayat ang pagsasagawa nito bilang isang isang community event ay muling dinagsa ng mga diboto noong July 5 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Batangas City Day.

Tinipon ang imahe ng mga Patron mula sa pitong parokya ng lungsod papunta sa Basilica ng Inmaculada Concepcion kung saan idinaos ang Papuon. Ang mga ito ay ang mga Patron ng Sta Rita, Euphrasia, San Isidro Labrador, San Pablo Apostol, San Miguel Arkanghel, Maria Inmaculada Concepcion, Sto Nino at Santisima Trinidad.

Isang audio visual presentation ng kasaysayan ng Batangas City ang ipinapanood kung saan ipinakita rito ang papel ng mahal na patrong Sto Nino sa kasaysayan ng lungsod at ang Tradisyon ng Papuon.

Sumunod ang Tedeum na pinangunahan ni Rdo. Padre Aurelio ‘Odong” Dimaapi, Kura Paroko ng Basilica. Sumunod ang Rosario Cantada at ang pagdarasal ng Sto. Rosario kung saan sa pagitan ng bawat dekada ng misteryo ay kinakanta ng kantora ang mga relihiyosong awitin sa saliw ng tungtog ng banda ng musiko. Nagdasal din ng Oration Imperata, isang panalangin upang ipag-adya ang lungsod sa mga kalamidad at sakuna.

Kasunod nito ay ang ang Lua at Dalit sa mga santo. Ang Lua ay isang mala tulang panalangin ng papuri, pasaalamat at petisyon sa mga santo na ginampanan ng mga kabataan at ang Dalit naman ay awit ng panalangin sa mga santo.

Nagkroon din ng Pagtatalaga ng Sambayanan sa Maluwalhating Krus at ang pang huli ay ang sama-samang pag awit ng papuri sa Diyos ng lahat ng koro. (PIO Batangas City)