Kampeon: General Services Dept. sa court dancing, CLB/CRO sa street dancing

Tinanghal na kampeon ang grupo ng mga empleyado ng General Services Department (GSD) sa ikalawang taon ng court dancing competition kung saan ito ay nagsisilbing showcase ng galing at creativity ng mga departamento ng pamahalaang lungsod.

Naging batayan sa pagpili ng mga nagwagi ay ang choreography, relevance to the theme-Batangas City Kariktan at 50-, costume at props at over all impact.

Ayon sa chairman of the board of judges na si Chinggay Bernardo, department manager ng Cultural Exchange Department ng Cultural Center of the Philippines, unanimous ang kanilang naging desiyon sa pagpili ng winners. “GSD scored high in all the criteria lalo na sa performance at choreography. Sana lahat ng LGUs may ganitong klaseng activity, very commendable ang Batangas City for staging this kind of competition, just keep the spirit alive,” sabi niya.

Binigyang diin ni General Services Officer Joyce Cantre ang pagkakaroon ng teamwork ng GSD employees. “Nagtulong tulong kami sa pagbuo ng concept, lahat ng section nagbigay ng kani- kanilang idea. Malaking factor din ang kagustuhan ng mga dancers namin na manalo kung kaya ibinigay na nila ang todo at best nila.”

Idinagdag naman ng kanilang choreographer na si Allan Jeff Evangelista na bagamat nahirapan sila na ipakita sa loob ng anim na minuto ang ibat-ibang pangyayari sa loob ng 50 taon ng lungsod, nagsagawa sila ng brainstorming at research upang magawa nila ito . Malaking bagay din aniya ang suporta ng hepe ng GSD sa kanilang pagkakapanalo. Sisikapin aniya nila na muling magkampeon sa susunod na taon.

Nanalo ng 2nd place ang mga kawani ng City Assessor’s Office na nakakuha ng P 75,000 at trophy, 3rd ang pinagsamang grupo ng Colegio ng Lungsod ng Batangas (CLB) at Civil Registrar’s Office (CRO) na tumanggap ng trophy at P P 50,000, 4th Place City Accounting Office at 5th Place ay ang City Mayor's Office.

Sa open category, ang mga mag-aaral ng Golden Gate Colleges ang nagkampeon, pangalawa ang Batangas Province High School for Culture and Arts (BPHSCA) Junior at ikatlo ang Tinga Labac Elementary School.

Ayon kay Paul John Anonuevo, choreographer ng GGC, ipinakita nila sa kanilang pagtatanghal kung paano naging maunlad ang lungsod ng Batangas sa nakalipas na 50 taon. Tampok din dito ang mga tradisyon at ipinagmamalaking produkto ng lungsod. “Sobrang saya at thankful po kami sa aming pagkakapanalo,” sabi niya.

Samantala, ang grupo ng mga kawani ng CLB/CRO ang nagkampeon sa streetdancing competition, 2nd ang City Mayor’s Office, 3rd ang Environment Office, 4th ang GSD at 5th ang City Assessor’s Office.

Sa open category, ang mga mag-aaral ng Batangas City East ang tinanghal na pinakamahusay, 2nd ang Golden Gate Colleges at 3rd ang BPHSCA Junior.

Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha sa naturang okasyon, binati niya ang mahusay na performance ng mga kawani at binigyang diin na sa paglevel up ng pagtatanghal ay maglevel up din ang mga ito sa paglilingkod ng tapat, may malasakit at disiplina sa taumbayan. “Sana ay higit nating pabilisin ang pagbibigay ng serbisyo publiko sa pagpasok natin sa susunod na limampung taon,” sabi niya. (PIO Batangas City)

 

  1.jpg 10.jpg 100.jpg 101.jpg 102.jpg 103.jpg 104.jpg 105.jpg 106.jpg 107.jpg 108.jpg 109.jpg 11.jpg 110.jpg 111.jpg 112.jpg 113.jpg 114.jpg 115.jpg 116.jpg 117.jpg 118.jpg 119.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg 46.jpg 47.jpg 48.jpg 49.jpg 5.jpg 50.jpg 51.jpg 52.jpg 53.jpg 54.jpg 55.jpg 56.jpg 57.jpg 58.jpg 59.jpg 6.jpg 60.jpg 61.jpg 62.jpg 64.jpg 65.jpg 66.jpg 67.jpg 68.jpg 69.jpg 7.jpg 70.jpg 71.jpg 72.jpg 73.jpg 74.jpg 75.jpg 76.jpg 77.jpg 8.jpg 9.jpg 92.jpg 93.jpg 94.jpg 95.jpg 96.jpg 97.jpg 98.jpg 99.jpg