- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week ipinagdiriwang
- Details
- Friday, 26 July 2019 - 11:42:00 AM
Ibat’t ibang gawain ang inihanda ng City Social Welfare and Development Office sa pagdiriwang ng 41st National Disability Prevention and Rehabilitation Week (NDPR) , July 17-July 23, na may temang “Lokal na Pamahalaan :Kabalikat sa Pagtupad ng Karapatan ng mga Taong may Kapansanan”.
Ito ay alinsunod sa Proclamation No. 361 na ideneklara ang NDPR Week tuwing ikatatlong linggo ng Hulyo upang maitaas ang kaalaman ng publiko sa problema ng disability, at maengganyo ang bawat mamamayan na magkaroon ng aktibong responsibilidad upang matugunan ang mga issues na ito.
Nagkaroon ngayong araw na ito, July 26, ng Banal na Misa sa Basilica of the Immaculate Conception. Kasunod nito ang floral offering ng mga SPED students at teachers at ilang mga kawani ng CSWDO sa monumento ni Apolinario Mabini na tinaguriang “Dakilang Lumpo” at pagkatapos ay nagsayaw ng Zumba sa Plaza Mabini bilang bahagi ng kanilang Health and Wellness activity. May mga nutrition activities, symposium at iba pang education campaign upang mapalawak ang awareness ng mga PWD sa kanilang mga benepisyo at karapatan alinsunod sa mga batas na ipinatutupad para sa kanilang kapakanan upang sila ay maging produktibong miyembro ng lipunan.
Mahigit 2.000 PWDs ang napaglingkuran ng CSWD noong 2018 mula bata hanggang matanda sa pamamagitan ng mga serbisyo nito kagaya ng Self and Social Enhancement, Special Education Program , EBD at Alay Lakad scholarships, Assistance for Physical Restoration kagaya ng wheel chair, cane, quad cane, crutches at walker. Mayroon ding libreng ID at sine, Early Detection, Prevention and Intervention of Disability, Training and Employment Support, Alternative Family Support, After Care and Follow Up services hinggil sa pagpapatupad ng 20% discount at exception sa Value Added Tax sa ilang mga bilihin at serbisyo. Minomonitor din ng City Enigneer’s Office kung may mga access ang mga PWDS sa mga establishments at public transport facilities bilang pagtupad sa Batas Pambansa 344. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.