- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
58 aplikante hired-on-the-spot sa PESO job fair
- Details
- Tuesday, 30 July 2019 - 11:45:00 AM
Hired-on- the spot ang 58 mula sa mahigit 800 aplikante ng Trabaho para sa mga Batangueño na isinagawa ng Batangas City Public Employment Office (PESO), July 27, sa Batangas City Coliseum.
Ang mga ito ay makakapag-umpisa na sa kanilang trabaho sa anumang oras makumpleto ang kanilang mga requirements. Ilan din sa mga aplikante ay para sa final interview na.
Isa sa 32 local companies na pinilahan ng mga aplikante ay ang Japan Gas Company (JGC) Phils. Inc., na isang sub-contractor ng Shell. Ito ay may hiring para sa supervisory/managerial positions at skilled workers para sa kanilang project sites sa Batangas, Palawan, Misamis Oriental at Surigao. Bukod sa mga fresh graduates, nag-aplay din dito ang ilang dating overseas Filipino workers.
May pito namang international companies ang lumahok sa job fair.
May hiring din ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nangangailangan ng mga jail officers na dapat ay may professional civil service eligibility.
Umantabay naman ang iba pang government agencies kagaya ng Philhealth, Philpost, at Social Security System sakaling kailanganin ng aplikante ang kanilang identification numbers or proof of membership.
Naroon din ang mga kinatawan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Pilipino Overseas Employment Administration (POEA) upang tiyaking lehitimo at maayos ang estado ng mga kompanyang nakilahok sa job fair.
Pinayuhan naman ni City PESO Manager Noel Silang ang mga aplikante na maging positibo at determinado na sila ay magkakatrabaho sa kanilang pag a apply sa job fair.
Taun taun ay anim o higit pang job fairs ang itinataguyod ng City PESO sa lungsod kung saan ito ang pang lima sa taong ito. Nakatakdang isagawa itong muli sa Setyembre.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.