- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
National agencies nag-ulat ng mga proyekto sa “Dagyaw” sa Batangas City
- Details
- Thursday, 15 August 2019 - 4:01:45 PM
Iniulat ng mga opisyal ng iba’t ibang national agencies ang kanilang mga programa at proyektong ipinatutupad partikular sa CALABARZON region sa idinaos na Dagyaw: Open Government and Participatory Governance Regional Townhall Meeting, August 13, sa Batangas City Convention Center.
Ang Dagyaw ay isang salitang Hiligaynon na ang kahulugan ay “bayanihan.” Ito ay isa sa mga programa ng administrasyon ni Pangulong Duterte na naglalayong mailapit ang pamahalaan sa mga mamamayan sa pamamagitan ng isang transparent na gobyerno kung saan aktibong nakikilahok ang mga mamamayan. Dito ay binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na linawin ang issues at ipaabot sa mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga karaingan at pangangailangan. Ito rin ay one-stop-shop ng mga frontline government services at national programs.
Malugod na tinanggap ni Mayor Beverley Dimacuha ang nasabing mga opisyal kabilang sina Assistant Secretary Francisco Cruz ng Department of Interior and Local Government (DILG) Director Manuel Gotis, DILG CALABARZON, Under Secretary Janet Abuel, Department of Budget and Management (DBM), Assistant Secretary Rolando Toledo, DBM, Under Secretary Ruben Reinoso Jr., Department of Transportation (DOTR), Dir. Annie Mendoza, Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pa.
Dumalo rito ang mga local at barangay officials sa Calabarzon.
Tinalakay dito ang ilang pangunahing concern sa CALABARZON kagaya ng Women and Children, Rehabinasyon at ang Build Build Build ng DOTR. Ang “Rehabinasyon” ay isang kampanya ng gobyerno laban sa illegal drugs kung saan pinagsama ang salitang rehabilitasyon at nasyon sa layuning magkaroon ng holistic o kabuuang approach sa pagsugpo sa droga sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa rehabilitasyon ng mga drug surrenderers bilang ang problema ay isang health concern.
Ipinaalam ni DSWD Dir. Annie Mendoza ang mga proyekyto ng kanilang ahensya para matugunan ang malnutrsiyon at teenage pregnancy. Ilan dito ang pagpapalawak ng mga benepisyo sa ilalim ng Pantawid Pamilya Program : Educational grants 300/child for a minimum of 3 children, unconditional cash transfer grant (P200/month for 2018, P300 for 2019-2022. Magkakaroon din ang DSWD ng dalawang participatory action researches tungkol sa malnutrisyon na isasagawa ng mga Pantawid Parent Leaders sa pamamagitan ng Family Development Session at teenage pregnancy na pangugunahan ng Youth Groups.
Iniulat naman ni Engr. Carlos Sawali ang mga infrastrature projects ng DOTR kabilang dito ay ang konstruksyon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange na kauna unahang landport sa bansa para sa mga pasahero mula sa Cavite at Batangas na papasok at lalabas ng Metro Manila. Konstruksyon ng Cavite Gateway Terminal, at ang mga on-going Regiion IV-A projects tulad ng PNR South Long Haul na may byahe mula Manila to Batangas City, LRT 1- Cavite Extension at ang PNR South Commuter mula Solis Manila hanggang Calamba, Laguna, Southern Luzon Toll Road projects at iba pa.
Ito ay isinasagawa sa iba’t ibang rehiyon, kung saan ang Batangas City ang naging host sa CALABARZON Dagyaw 2019, ang ika-siyam na gawain. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.