- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Annual Investment Program 2020, Supplemental AIP 2019 atbp. city plans inaprubahan
- Details
- Friday, 16 August 2019 - 4:03:00 PM
BATANGAS CITY-Inaprubahan ng City Development Council sa Full Council Meeting nito, August 15, sa Teac hers Conference Center ang 2020 Annual Investment Program (AIP) na nagkakahalaga ng P15.6 billion.
Itinuturing na “pinakamahalagang plano” ng lungsod, ang regular AIP ang magiging basehan ng city budget sa susunod na taon at magsisilbing gabay sa mga gastusin at ipapatupad ng mga programa at proyekto ng pamahalaang lungsod at mga proyektong gagastusan ng national government agencies sa 2020. Ito ay isusumite sa Sangguniaing Panlungsod upang aprubahan at isusumite rin sa Provincial at Regional Development Councils para sa final approval.
Ang general public services ang nakakuha ng pinakamalaking appropriation na P7.6 billion na gagamitin sa operasyon ng mga departamento ng pamahalang lungsod kabilang na ang Office of the Mayor, Gender and Development (GAD), local disaster risk reduction and management, 20 % Dev. Fund, Special Education Fund at special projects lump sum appropriation, Nagkakahalaga ng P329.4 million ang inilaan sa social services kagaya ng mga pangangailangan ng Colegio ng :Lungsod ng Batangas, health at social welfare.
Ang economic services na may appropriation na P7.5 billion ay gagamitin sa veterinary, agricultural, environmental, engineering, infrastructure, market administration at iba pang proyekto.
Inaprubahan din ng council ang City Supplemental AIP No 1 for FY 2019 sa halagang P1.6 billion kung saan P571 million ang mapupunta sa general public services, P994 million sa economic services at P4.3 million sa social services. Kabilang sa mga gastusin dito ang para sa local disaster risk reduction, anti-dengue operation, special education para sa mga bagong school buildings at lot acquisition, mga kailangan ng CLB, sporting equipment na gagamitin ng Dep Ed sa unang quarter ng 2020, drainage at iba pang infra projects.
Ang iba pang inaprubahan ng council ay ang 8-Point Executive–Legislative Agenda (ELA)-CapDev 2019-2022 na kinabibilangan ng :1. Paglulunsad ng Mobile City Hall upang mailapit ang pamahalaang lungsod sa barangay 2. Public and socialized housing para sa mga low-ranking city government employees at mga informal settlers na naninirahan sa mga delikadong lugar 3. Expanded EBD scholarship kasama ang karagdagang kurso sa CLB upang matugunan ang pangangailangan ng industriya 4. Expanded EBD Health Card benefits 5. Sports development and physical exercises 6. Repair and rehabilitation ng mga public markets 7. Tourism development ng Isla Verde, Mt. Banoy at Calumpang River area 8. Good governance kung saan magkakaroon ng creation ng Internal Audit Services.
Pagkatapos ng presentation ng Palafox Associates na siyang nakatulong ng pamahalaang lungsod sa pagbabalangkas ng Ten Year Batangas City Comprehensive Land Use Plan CY 2019-2028 at ng Batangas City Debvelopment Plan 2019-2025, ang mga planong ito ay inaprubahan din ng council.
Nagsagawa ng presentation ng mga nabanggit na plano si City Planning and Development Coordinator Januario Godoy bago ito aprubahan ng council.
Sa kaniyang mensahe, nanawagan si Mayor Beverley Rose Dimacuha na magkaroon ng disiplina ang mga Batangueño, sumunod sa mga batas, magkaroon ng tamang asal at values at igalang ang mga matatanda at mga miyembro ng LGBTQIA.
Sinabi naman ni Cong. Marvey Mariño na kailangang maging mabilis ang pagproseso ng business permit application kasama na irito ang issuance ng barangay clearance upang makaengganyo ng maraming investors.
Nagbigay din ng presentation si DILG City Director Esther Dator tungkol sa "Ambisyon 2040-A Long Term Vision for the Philippines, Sustainable Development Goals at tinalakay ang road clearing directive sa mga local government units.
Nagbigay naman ng updates sa degue case situation sa lungsod si City Health Officer Rosanna Barrion.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.