- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
GSIS may bagong financial assistance loan
- Details
- Wednesday, 04 September 2019 - 9:25:00 AM
Sa lahat ng mga aktibong miyembro ng Government Service Insurance Systemm(GSIS) na nahihirapang bayaran ang mga utang nila sa mga private lending institutions, nagkakaloob ngayon ng GSIS Financial Assistance Loan II (GFAL II) upang ibayad sa nasabing mga utang.
Ang halaga ng GFAL II ay mula P100,000 hanggang P 500,000 na maaaring bayaran sa loob ng anim na taon sa interest na 6% bawat taon.
Ayon sa bagong GSIS Batangas Branch Manager na si Leon Ma Fajardo, “GSIS is offering to re finance their loan para mas mataas ang kanilang take home pay at maresolba ang mga pagkakautang nila.”
Ang GFAL I ay nagsimula noong May 2018 at unang inioffer para sa mga guro samantalang ang GFAL II ay nagsimula ng July 2019 at tatagal hanggang July 2020.
Ang maaaring mag-aplay nito ay ang mga myembro na nagtatrabaho sa local government units, national government agencies. government owned and controlled corporations at government financial institutions.
Kailangan ng resolution mula sa Sangguniang Panglungsod na pinapayagan ang City/Municipal Mayor o ang Governor na lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa GSIS bago ma proseso ang naturang loan sa loob ng 10 araw.
Dapat ding dumalo sa isang financial literacy seminar ng GSIS ang mga GFAL applicants upang hindi na muling malubog sa utang ang kanilang mga myembro. Tuturuan din sila dito kung paano mag impok at mag-invest.
Kailangan lamang magfill out ng GFAL II application form, magsubmit ng payslip para sa huling tatlong buwan, mag attach ng GSIS-prescribed Statement of Account (SOA) na may clear photocopy ng ID ng authorized representative ng lending institution gayundin ang borrower loan agreement/ voucher kung saan nakalagay ang detalye ng original loan, net loan, term of loan, interest rate, monthly amortization at due date ng first loan amortization. Ito ay ipoproseso by batch ng GSIS..
Ang GSIS ang magbabayad ng pagkakautang sa mga private lending institution (PLIs) subalit kung hindi ma-maximize ng GSIS member ang buong amount na P 500,000, maaari niyang iaplay ang balance dito sa GFAL Top Up Loan upang magamit naman na pambayad sa ibang hindi accredited na PLIs. Ito ay ibibigay sa borrower sa pamamagitan ng cheke.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.