- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mahigit 8,000 runners lumahok sa 43 rd Milo Marathon sa Batangas City
- Details
- Tuesday, 24 September 2019 - 9:42:00 AM
Matagumpay na naisagawa ang 43 rd Milo Marathon sa Batangas City noong September 22 kung saan mahigit na 8,000 runners sa buong bansa ang lumahok sa ika limang leg ng kumpetisyon sa 3K, 5K, 10K at 21K runs para sa male at female racers.
Ayon kay City Council for Youth Affairs (CCYA) head Glecy Clet, ang tagumpay na ito ay bunga ng malaking suporta ng city government, mga katuwang na ahensya kagaya ng Batangas City Dep Ed, ilang pribadong sektor at mga lumahok na runners. Dagdag pa dito ang maayos na pagsasagawa at kahandaan ng lungsod kung kayat laging idinadaos taon taon ang event na ito sa lungsod.
Nakuha ng beteranang runner na si Luisa Raterta ng Laguna ang unang pwesto sa 21K elimination na nagbigay sa kanya ng pagkakataong mag-qualify sa National Finals sa January 2020. Natapos ni Raterta ang nasabing race sa oras na 1:33:14. Kasunod niya sina Mirasol Abad at Rocel Maestro para sa female category.
Pasok din sa national final ang 40 taong gulang na multi titled trail runner na si Eugene Postrado matapos manguna sa 21K- run male category sa oras na 1:55:56. Second place si Isidro Perpetua at 3 rd si Jujit de Asis.
First placers sa 3K race sina Lyka Mae Raterta at Jon Cyril Torres; 5K sina Emmalyn Taypin at Norbert Cailan; sa 10K ay sina Jay Ann Labasamo at Evelou Abutas sa female at male categories.
Bukod dito ay nagkaroon rin ng cheer dance competition kung saan champion ang Padre Imo Luna Memorial Elementary School, San Jose Batangas sa elementary category. Champion din ang San Pascual Senior High School ! at ang Calamba city College para sa high School at collegiate levels.
Nakuha naman ng Batangas Ntional High School ang award na biggest delegation o pinakamaraming participants sa marathon sa taong ito.
Ang CCYA ang tanggapan na siyang namamahala ng Milo Marathon at iba pang youth and sports development programs sa lungsod katulong ang Sangguniang Kabataan.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.