- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Kagandahan ng mga buntis ipinakita sa contest ng CHO
- Details
- Friday, 11 October 2019 - 2:45:00 PM
Kahit buntis, pwede pa ring maging maganda at kaayaaya ang isang babae sa pamamagitan ng pag-aalaga at pagaayos ng sarili kaya naman nagdaos muli ng Gandang Buntis 2019 ang City Health Office (CHO) upang patunayan ito.
Sa siyam na contestants, tinanghal na Gandang Buntis 2019 ang 32 taong gulang at limang buwang buntis na si Mishel Palame ng barangay Wawa sa patimpalak na isinagawa, October 11, sa Batangas City Convention Center.
Siya ay tumanggap ng cash prize na P 4,000, bouquet of flowers, sash, baby gift set from Pedriatica, beauty package from Salon de Vanitta, stroller at free ultrasound mula sa Klinika Alcoreza.
Ang Gandang Buntis 2018 na si Rosemarie Escote ng barangay Gulod Itaas ang nagputong ng korona kay Palame.
Ayon kay Palame, ito ang kanyang ikalawang pagkakataon na magbuntis. Lubos ang kanyang kasiyahan sa kanyang pagkakapanalo at nagpapasalamat siya sa pamahalaang lungsod sa pagkakaroon ng ganitong klaseng programa na isang pagkakataon para sa mga buntis na tulad niya na makarampa at maipakita ang angking talento.
Ang naturang pageant ay kaugnay ng Safe Motherhood celebration ng City Health Office na may temang “Mag healthy habit para healthy si mommy lalo na si baby”.
Ayon kay City Health Officer Dra Rosanna Barrion, layunin ng nasabing gawain na masiguro na ang pagbubuntis ng mga ina sa lungsod ay ligtas. Sa pamamagitan ng nasabing gawain, hangad nila na mabigyan ng sapat na kaalaman ang mga nagdadalantao sa kung ano ang mga dapat gawin habang nagbubuntis at pagkatapos manganak.
Mayroon aniya ang CHO na “Buntis Party” kung saan nagkakaroon ng information dissemination para sa mga nagdadalantao hinggil sa mga dapat nilang malaman tulad ng warning signs, mga bakuna na dapat nilang matanggap, proper hygiene at tamang pag-aalaga sa sanggol kapag ito ay lumabas na.
Binigyang diin niya na sa halip na manganak sa bahay sa pamamagiatan ng isang hilot kinakailangang sa birthing facility manganak sa ilalim ng trained service provider upang maiwasan ang pagkasawi.
Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha, sinabi niya na kailangang magkatuwang ang mag-asawa sa “journey” ng pagbubuntis hanggang makapanganak. “Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga asawa kung kaya kailangan ang kanilang ibayong suporta. Ang pagbubuntis a ay simula pa lamang ng parenting kaya kailangan silang maging mga responsableng magulang.” Payo niya na palaging maging “positive” ang mga ina at iparamdam sa mga baby ang kanilang pagmamahal kahit ang mga ito ay nasa sinapupunan pa.
Nagbigay ng lecture ang guest speaker sa naturang okasyon na si Dr Nilo Alcoreza, Training Officer ng Department of Obstetrics and Gynecology ng Batangas Medical Center hinggil sa healthy lifestyle for better pregnancy. Binigyang diin niya ang pagkakaroon ng tamang nutrisyon o balanced diet, pagsailalim sa regular check up at pag-eehersisyo para sa mga nagdadalantao. Binanggit din niya ang ilang mga pamahiin ng mga Filipino sa pagbubuntis kagaya ng hindi pagligo sa gabi at pagdalaw sa patay dahil masama daw ito. Ang mga pamahiing ito aniya ay hindi dapat paniwalaan.
Nanalong 1st runner up at Best in Long Gown si Honey Babes Ballardo ng barangay Dumuclay at 2nd runner up at Best in Talent si Kym Joy Nanas ng barangay Alangilan.
Tumanggap ng consolation prize na P 1000, beauty gift set at free ultrasound ang mga hindi nagwagi.
Nakiisa din sa naturang selebrasyon si Congressman Marvey Mariño.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.