- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
DSWD namigay ng financial assistance sa mga indibidwal na nasa krisis
- Details
- Wednesday, 13 November 2019 - 1:52:00 AM
May 1,654 beneficiaries ang tumanggap ng tig P1,500 sa ilalim ng Assistance to Individual in Crisis Situation program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 4A sa distribution sa Batangas City Convention Center, November 13.
Ayon kay Brindon Malapo ng DSWD Region IV A at tumatayong team leader sa Batangas Province, ang financial assistance ay ipinagkakaloob para sa medical, burial, educational, transportation needs at iba pang inihihingi ng tulong depende sa pangangailangan at assessment sa isang indibidwal. Maaari rin itong ipagkaloob sa mga naapektuhan ng kalamidad.
Kailangan lamang magsumite ng kaukulang dokumento tulad ng hospital bill, medical abstract, prescription ng gamot at iba pa.
Naglaan ang Department of Social Welfare and Development Office (DSWD) ng pondong P 2.5M para sa implementasyon ng proyektong ito na isinagawa sa unang pagkakataon.
Binigyang diin ni Malapo na ang naturang beneficiaries ay nirefer ng tanggapan ni Congressman Marvey Marino sa kanilang opisina upang bigyan ng financial assistance mula sa pondong inilaan ng mga district congressmen sa DSWD.
Batay sa guidelines, maaari muling humingi ng tulong sa ilalim ng nabanggit na programa pagkatapos ng tatlong buwan partikular ang mga sumasailalim sa dialysis, chemotheraphy at iba pa.
Isa sa mga beneficiaries ay si Aling Estela Clarin ng barangay Sta Clara Ilaya, 58 taong gulang at isang labandera. Gagamitin niya ang ayuda bilang pambili ng kanyang maintenance medicine para sa kanyang high blood pressure.. Sinabi naman ni Mang Felicisimo Liqui na ibibigay niya ang pera sa kanyang pamangkin bilang pambaon sa eskwelahan.
Ang ikalawang batch ng beneficiaries ay nakatakdang tumanggap ng pay out sa huling lingo ng Nobyembre.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.