- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Makabagong teknolohiya at climate change tinalakay sa Techno Gabay Program Summit 2019
- Details
- Thursday, 21 November 2019 - 9:02:00 AM
Nagsilbing host ngayong taon ng tatlong araw na Techno Gabay Program (TGP) Summit 2019 ng Agricultural Training Institute (ATI) ang lalawigan ng Batangas. kung saan tinalakay ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa pagsasaka upang maka adapt sa climate change.
Ayon kay Dr Rolando Maningas, ATI Region IV A information officer, “ang naturang summit ay program implementation ng ATI na naglalayong maideliver sa mga end users ang tama at angkop na teknolohiya upang magabayan sila sa kanilang farming at fishing practices.”
Ang ATI ay extension arm ng Department of Agriculture (DAR) na nagbibigay ng information, trainings at seminars sa mga magsasaka at mangingisda sa rehiyon.
“Ang nasabing pagtitipon ay culminating activity ng lahat ng Farmers Information Technology (FIT) centers sa CALABARZON. “Mayroon tayong kabuuang 57 FIT centers na nagkakatipon tipon ngayong araw na ito upang i exhibit ang kanilang produkto, i showcase ang kanilang proyekto at i highlight ang kanilang accomplishments para sa 2019,” dagdag pa ni Dr. Maningas.
Ang FIT centers sa mga local government unit ay nagkakaloob ng ibat-ibang impormasyon (IEC materials) at technical advice na makakatulong upang mapaunlad ang larangan ng pagsasaka at pangisdaan.
Sinabi ni Agricultural Training Institute IV-A Center Director Marites Cosico na musika sa kanyang pandinig ang mga accomplishments ng mga magsasaka at mga mangingisda na isang pagpapatunay aniya na isinasabuhay nila ang kanilang mga natututunan sa mga dinaluhang pagsasanay.
Ipinahayag naman ni Governor Hermilando Mandanas ang kaniyang mga plano bilang suporta sa agrikultura ng lalawigan kagaya ng pagtatayo ng isang food terminal at warehouse. Narito rin si Batangas State University President Dr Tirso Ronquillo.
Sa taong ito, naging paksa ng talakayan sa farmers’ forum na dinaluhan ng may 232 farmers ng lalawigan ay ang weather and climate information in agriculture kung saan tinalakay ng PAGASA ang ibat –bang farm weather services.
“Challenge sa farming at fishing ang climate change kaya dapat alam ng mga magsasaka at mangingisda kung ano ang mga technology na pwede nilang iadapt sa kabila ng bantang ito” sabi ni Maningas.
Nagkaroon din ng techno demo ng mga magsasaka syentista on climate information projects.
Makikita rin dito ang exhibit ng mga booths ng mga local government units sa Calabarzon kung saan tampok ang kanilang mga ipinagmamalaking produkto .
Isasagawa ang Techno Gabay Awards sa November 22 bilang pagkilala sa mga accomplishments ng mga stakeholders ng programa at sa mga outstanding FIT centers.
Ito ang ika 9th TGP na may tema ngayong taon na “Makabagong Teknolohiya sa Pagsasaka, Kahandaan sa Pagbabago ng Klima”. Ka partner ng ATI sa gawaing ito ang pamahalaang panlalawigan, Batangas State University at pamahalaaang lungsod ng Batangas.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.