- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Regular monitoring ng solid waste management sa Solid Baybay Barangay tagumpay
- Details
- Thursday, 28 November 2019 - 3:48:21 PM
Sa loob ng isang taon ng monitoring ng KA-BRAD Team Solid Baybay cluster coordinators sa ecological solid waste management ng 19 na coastal barangay, matagumpay na nakamtan ng grupo ang layunin nitong 80% ng mga households sa bawat barangay ang tumupad sa waste segregation, plastic ban, pagkakaroon ng isang functional na Materials Recovery Facility (MRF) at compost pit at 40% na kabawasan sa basura sa 13 coastal at 6 na island barangay ng Batangas City.
Ang naturang kampanya ay bilang pagtalima sa Ecological Solid Waste Management Act of 2000 sa pangangasiwa ng City Solid Waste Management Board.
Sa unang bahagi ng paglilibot, nagsagawa ng baseline monitoring at information education campaign sa 19 na barangay ang team solid baybay noong November – December 2018 bilang pagpapatupad ng City Solid Waste Management Board ng R.A. 9003.
Sa second wave ng monitoring, nagkaroon ng status checking kung may kasalukuyang sistema ang barangay sa pangangasiwa ng basura, kung may aktibong solid waste management council, at solid waste management plan ang lahat ng Solid Baybay barangay.
Sa third wave monitoring, nagsagawa ng inspection sa mga tindahan, carinderia, grocery stores at barangay coop kung gumagamit pa sila ng one time plastic use sa kanilang mga paninda at paghikayat sa mga ito na gawing gabay ang 9 Rs - Reuse, Reduce, Recycle, Refuse, Repurpose, Reject, Replace, Recover at Rethink para makatulong sila sa pagbawas ng basura sa barangay.
Sa kanilang paglilibot, nakita ng monitoring team na karamihan sa mga barangay ay naghukay ng compost pit at nagtayo ng mga Materials Recovery Facility o MRF sa bawat sitio habang ang ilang households ay nagtayo nito sa kanilang mga bakuran.
Napag-alaman din nila ang best practices ng ilang mga barangay kung saan nakapagbuo sila ng kanilang epektibong sistema ng pamamahala ng basura.
Sa management plan ng barangay Ambulong, ipinag-uutos ng barangay chairman ang paggawa ng MRF at paghukay ng compost pit sa bakuran ng lahat ng barangay officials at ng kanilang staff sa barangay hall.
Number coding naman sa basurahan ang stratehiya ng barangay Ilijan kung saan merong number bawat basurahan na nakatalaga sa bawat household upang madaling malaman kung sino ang hindi segregated o hindi nakabukod ang basura sa nabubulok at hindi nabubulok. Sa Pulot Itaas, lahat ng tindahan ay hindi na gumagamit ng plastic bilang pambalot ng paninda kundi fish net, ziplock, microwavable containers at dyaryo. Nagkabit din sila ng mga sako sa tabi ng karsada bilang MRF o basurahan.
Ang ilang barangay naman ay nagtalaga ng isang konsehal at isang tanod bawat sitio upang tingnan kung sumusunod ang mga kabahayan sa mga alituntuning ipinatutupad hinggil sa pangangasiwa ng basura.
Sa fouth wave monitoring, binigyang pansin ang beautification at massive coastal clean up drive. Naglagay ang bawat barangay ng linya ng bato sa magkabilang tabi ng karsada simula Ambulong hanggang Talahib Payapa bilang palatandaan at identification ng coastal area. Nagkabit ang lahat ng barangay chairmen ng kanilang welcome billboard sa lahat ng entrance at exit point ng kanilang barangay bilang pag welcome sa mga pumapasok at bumibisita sa kanilang barangay. Clean up drive naman sa lahat ng coastal area upang mapanatili ang kaayusan, kalinisan ng bawat barangay at upang makaiwas din sa dengue.
Ang fifth wave monitoring ay inspection at issuance ng citation ticket sa mga violators o nahuling gumagamit ng one time plastic use tulad ng labo, linaw at sando bags.
Huling monitoring ang paglulunsad ng Project Free Throw kung saan lumikha ang mga coastal barangay ng basurahan na mayroong basketball ring. Dito itinatapon ng mga residente ang kanilang mga recyclable at residual wastes particular ang pet bottles. Ang mga nagtapon ng kanilang basura dito ay nakalista sa barangay at ang may painakamalaking volume ng basura na naitapon sa free throw bin ay makakatanggap ng bigas, pagkain at iba pa bilang insentibo.
Natapos ang monitoring ng Solid Baybay coordinators noong November 27, 2019 at magsisimula ulit sa kanilang misyon sa 1st quarter ng 2020. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.