- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
High school students lumahok sa spoken poetry contest ng Batangas City Police
- Details
- Friday, 29 November 2019 - 3:14:35 PM
Nagsagawa ang Batangas City PNP ng patimpalak sa Spoken Poetry na ang tema ay “KARAPATANG PAMBATA: Patuloy na Pahalagahan at Gampanan Tungo sa Magandang Kinabukasan” na siya ring tema ng pagdiriwang ng National Children’s Month, Nov. 28 sa Mabini Conference Room, Batangas City Police Station. Ito ay nilahukan ng 15 high school students mula sa public at private schools.
Itinanghal na kampeon si Ma. Sophia Velasquez ng Batangas City High School for the Arts kung saan ang titulo ng kanyang piece ay Sayo ang Mundo, Pag Bata Ka. Bukod sa pagtalakay sa mga karapatan ng bata, binigyang diin niya sa kanyang spoken poetry ang mga issues na kinakaharap ng mga kabataan ngayon kagaya ng child labor, child abuse at kapabayaan ng magulang. Nanalo ng 2nd place si Maeril Pauline Caya ng Batangas Christian School at 3rd si Nichole Samantha Ebreo ng Libjo National High School.
Iminungkahi naman ni Konsehal Karlos Buted na isa rin sa mga hurado na isali ang 15 mag-aaral sa kaniyang mga adbokasiya at mga susunod na leadership training para sa kabataan dahil sa nakita niya ang angking potensyal ng mga ito.
Ang iba pang mga hurado sa nasabing paligsahan ay sina Dr. Soccoro Comia (DepEd), Marie Lualhati (PIO), Jaimelee De Castro (Brigada News FM) at Police Executive Master Sergeant Nena Godoy Garcia.
(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.