- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Paaralang ginawang evacuation centers inihahanda na sakaling ibalilk na ang klase
- Details
- Tuesday, 21 January 2020 - 9:45:00 AM
Inihahahanda na ng pamahalaang lungsod ng Batangas ang mga paaralan ng ginawang temporary shelters ng mga Taal evacuees para sa pagbabalik ng klase kapag pinayagan na ito ng Philipine Institute of Volcanalogy and Seismology (Phivolcs).
Sa pakikipagpulong ni Mayor Beverley Dimacuha sa mga barangay officials at school heads, January 20, ipinag-utos niya ang pagbabawas ng mga evacuees sa mga “fully used” public schools upang ilipat ito sa mga multipurpose covered courts sa mga barangay. Binigyang diin niya na dapat may kuryente, tubig at toilets ang mga pasilidad na ito.
Ang mga paaralang ito na puno ng mga evacuees ay ang Concepcion Elem. School, Balete, Malitam High School, Bolbok, Banaba Center , at South Elem. School. Mayroon ng paglilipatang covered court ang puno na ring Bucal ES.
Ayon kay Secretary to the Mayor Reginald Dimacuha, ang mga principals na nasabing paaralan ay inaatasang alamin kung ilang evacuees ang ililipat sa mga covered courts at magkakaroon ng shifting kapag ipinatupad ito. Inatasan din silang makipag-ugnayan sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) sa gagawing paglilipat na ito ng ilang mga evacuees
An g mga batang evacuees ay tatanggapin sa mga paaralan dito upang maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Bibigyan din sila ng mga school supplies ng pamahalaang lungsod.
Ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay magsasagawa naman ng psychosocial processing sa mga bata upang matugunan ang stress at trauma na kanilang nararamdaman.
Ayon sa hepe ng CSWDO na si Mila Española, kailangang magparehistro ang mga evacuees sa barangay sapagkat mayroong pakikipag-ugnayan sa Department of Health (DOH) upang magamot ang mga nagkakasakit.
Sinabi naman ng hepe ng Public Employment and Services Office (PESO) na si Noel Silang na sa layuning matulungan ang mga evacuees na magkaroon ng trabaho, bukas ang kanilang tanggapan sa mga nais mag apply sa iba’t ibang trabaho. Nakikipag-ugnayan aniya ang PESO sa mga employers para sa mga trabahong kailangan ng kanilang kompanya o organisasyon. Maglilibot din aniya sila sa mga barangay upang matulungan agad ang mga aplikante.
Inatasan din ang mga concerned agencies na bigyan ng impormasyon o edukasyon ang mga evacuees sa mga ipinatutupad na batas sa lungsod kagaya ng traffic ordinance, no smoking sa mga pampublikong lugar, tamang pangangasiwa ng basura at iba pa upang maiwasan ang mga paglabag sa mga batas na ito.
Nanawagan din sa mga evacuees na tumulong sa pananatili ng kalinisan at kaahyusan sa mga evacuation centers Angela J. Banuelos PIO Batangas City.
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.