Public utility vehicle drivers hinikayat maglagay ng sanitizers sa kanilang sasakyan

  1.jpg 2.jpg

Sa harap ng panganib sa kalusugan at kaligtasan na dulot ng 2019 Novel Corona Virus, naghain ng isang resolusyon si Coun. Boy Dimacuha na humihikayat sa mga jeepney drivers at tricycle drivers na magsuot ng face masks at maglagay ng hand sanitizers o alcohol sa kanilang mga sasakyan para sa kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Sinangayunan ito ni Association of Barangay Captains President Dondon Dimacuha na nagmungkahi na isama na rin ang mga bus companies a public ferries na naglalaman ng mas maraming mga pasahero.

Ayon naman kay Hon. Aileen Montalbo, mas mainam na alcohol na may 70% solution ang gamitin imbes na hand sanitizers dahil mas epektibo itong nakakapatay ng mga mikrobyo.

Sinabi naman ni Coun. Alyssa Cruz Atienza na dapat malinaw kung sino ang magpo provide ng mga sanitizers o alcohol sa mga drivers ng mga naturang public transports.

Ang naturang resolusyon ay nangangahulugan ng karagdagang gastos sa mga drivers at operators kung sila ang magpo provide nito. ( PIO Batangas City