- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Sublian Festival kinilala bilang most outstanding religious festival
- Details
- Monday, 17 February 2020 - 4:37:00 PM
Tinanghal na most outstanding religious festival ang Sublian festival ng Batangas City sa kauna unahang Philippine Live Entertainment and Arts Festival na isinagawa sa RCBC Plaza, Makati City noong February 8.
Layunin ng LEAF awards na kilalanin ang angking husay ng mga alagad ng sining maging ito may isang tao, pangyayari, gawaing pang relihiyon, festival, teatro, mang aawit, grupo ng mga mananayaw, lokal man o mga propesyunal na patuloy na isinasagawa at isinasabuhay ang mga gawaing pang sining.
Ang Sublian festival na nasa ika – 32 taon na ay sinimulan ni dating Mayor Eduardo Dimacuha sa layuning mapayabong ang namanang kultura at tradisyon ng lungsod at maipasa ito sa kasalukuyan at susunod na henerasyon bilang mahalagang bahagi ng tunay na kaunlaran ng Batangas City. Ito ay ipinagpapatuloy ni Mayor Beverley Rose Dimacuha na mayroon ding pagpapahalaga sa cultural development ng lungsod.
Tinanggap ang award sa pangunguna ni G. Eduardo Borbon, vice chairman ng Cultural Affairs Committee at mga miyembro nito na sina Atty. Reginald Dimacuha, Erick Anthony Sanohan, Jose Alvin M. Remo, Peter John Caringal at Bill Perez.
Ang ilan sa mga kilalang awardees ay sina Eric Santos, Dulce, John Pratts at Gerald Santos sa mga celebrities. Kinilala naman ang mga alagad ng sining na sina Liza Macuja Elizalde ng Ballet Philippines, Ms. Shirley Cruz-Halili ng National Commission for Culture and the Arts at Chris Millado ng Cultural Center of the Philippines.
Ipinagkaloob ng mga myembro ng Batangas City Cultural Affairs Committee ang tropeyo kay Mayor Dimacuha, February 17.
Pinasalamatan ni Sec. to the Mayor Reginald Dimacuha na isa rin sa mga Committee members ang mga kawani ng pamahalaang lungsod sa malaking suporta nila sa Sublian Festival kung saan sila ay lumalahok bilang mananayaw sa taunang cultural event na ito sa lungsod. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.