- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Mga drivers bawas kita sa balik pasada
- Details
- Thursday, 02 July 2020 - 11:53:21 AM
Pagkatapos ng ilang buwan ng tigil pasada bunsod ng pandemya, patuloy pa ring nahihirapang mabuhay ang mga jeepney at tricycle drivers sa maliit nilang kita ngayong nakakapagbiyahe na sila. Ito ay dahil sa kalahati lamang ng kapasidad ng kanilang sasakyan ang pinapayagang pasahero upang mapanatili ang physical distancing.
Ayon sa jeepney driver na si Elmo Gabato, ng byaheng Batangas-Libjo, dati siyang kumikita ng P2000 kada araw kung saan bawas na dito ang gastos sa gasolina at sa pagkain. Nakaka labintatlo aniya syang byahe mula alas singko y medya ng umaga hanggang alas otso ng gabi.
Subalit sa kanyang pagbabalik pasada sa pagsisimula ng general community quarantine hanggang sa kasalukuyan, kalahati lamang ng dating kita ang kanyang naiuuwi sapagkat kalahati lamang ng dating 21 katao ang kanilang maaaring isakay subalit pareho pa din ang pamasahe na P 9.00. “Kailangan kong magtyaga upang kumita kaysa tumambay lamang sa bahay,” sabi niya. Bilang pagsunod sa health protocols, naglagay siya ng plastic barricade sa pagitan ng mga upuan ng jeep para sa physical distancing.
Dinidisinfect din niya ang kanyang jeep pagkatapos ng bawat byahe. Hinggil naman sa modernisasyon ng jeep , sang ayon aniya siya dito kung kayat sumali siya sa isang kooperatiba.
“Wala tayong magagawa kundi ang sumunod sa patakaran ng gobyerno,” dagdag pa niya. Ayon naman sa tricycle driver na si Ronniel De Chavez na may linyang G2, naglagay siya ng plastic cover sa traysikel bilang harang sa pagitan ng drayber at pasahero. Naka mask din siya at may alcohol. Isa lamang ang maaaring isakay na pasahero kung kayat hiling nila na payagan sila na maisakay ang kasama ng PWD, senior at mga buntis.
Bagamat nakaka sampung byahe sya kada araw, mahina aniya ang kita at kailangan pang ibawas dito ang P 150 na boundary.
Pinayuhan ng dalawa ang mga kapwa drayber na huwag mawalan ng pag-asa at magkaroon ng ibayong pag-iingat sa pamamagitan ng pagsunod sa mga safety protocols upang maipagpatuloy ang kanilang pamamasada. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.