- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Molecular lab para sa covid-19 testing pinasinayaan sa Batangas City
- Details
- Wednesday, 08 July 2020 - 6:53:09 PM
Pinangunahan ni Senator Richard Gordon, chairman ng Philippine Red Cross at ni Mayor Beverley Rose Dimacuha ang pagpapasinaya sa molecular laboratory at COVID-19 testing center sa Batangas City ngayong Miyerkules, July 8.
Ang molecular laboratory na accredited ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan sa Lucio Tan Group of Companies.
Nagkakahalaga ng P 20-25 milyon, ang laboratoryo ay may apat na RT- polymerise chain reaction (PCR) testing machine at may kakayahan para sa 4,000 testing kada araw. Malalaman ang resulta ng test pagkatapos ng 48 oras. Ito ang ikaanim na molecular laboratory sa bansa at pinakamalaking testing center sa CALABARZON. Ayon kay PRC Batangas Chapter Administrator Ronald Generoso, ang halaga ng test ay P 3,500.
Ito ay sasagutin ng isang local government unit tulad ng Batangas City na mayroong memorandum of agreement sa Red Cross upang maisagawa ang testing project. Ang City Health Office ang mag iidentify ng mga sasailalim sa testing.
Sinabi ni Sen. Gordon, “covid is an unseen enemy, kaya testing is important. Kapag na test na ang mga tao, makakapagbukas na ulit ang mga pabrika at makakapasok na ang mga empleyado nila.” “Äng tao walang pambili dahil walang trabaho kaya binigyan ng pera ng gobyerno. Pero hindi pwedeng habambuhay bibigyan ng gobyerno ng pera. Kaya dapat makapagtrabaho na ulit. Ang sinasabi ko, para makapagtrabaho na, dapat kayo ay magpatest," dagdag pa niya.
Nagbigay din ng mensahe si IATF Deputy Chief Implementer Sec. Vivencio Dizon kung saan sinabi nya na maswerte ang Philippine Red Cross sa pagkakaroon ng isang lider na tulad ni Gordon na malaki ang malasakit sa mga tao.
Lubos naman ang pasasalamat ni PRC Secretary General Elizabeth Zavalla sa mga donors at volunteers sa proyektong ito. Nagpaabot din ng pasasalamat kay Senator Gordon sa pamamagitan ng Zoom si Governor Hermilando Mandanas.
Dumalo din sa nasabing event sina 5th District Representative Congressman Marvey Marino at mga kinatawan ng ibat-ibang distrito ng lalawigan.
Dahil sa inisyatibo ni Senator Gordon, ang Pilipinas lamang ang nag-iisang Red Cross Society sa buong mundo na mayroong bio-molecular laboratory system na malaki ang maiitulong hindi lamang upang ma test ang covid kundi pwede ring gamitin sa detection ng iba pang sakit. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.