Kimchi making demo, isinagawa

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Isang kimchi making demonstration ang isinagawa ni Councilor Lorenzo “Jun” Gamboa sa mga empleyado ng Home Extension Division ng Office of the City Veterinary and Agricultural Services o OCVAS, August 27.

Layunin nito na maituro sa mga kawani ng nasabing tanggapan ang tamang paraan ng paggawa ng kimchi na isang pagkaing itinuturing na pampalusog sa Korea.

Ito ay paborito at sikat na pagkain ng mga Koreano na lubos na kinahihiligan na din ngayon ng mga Filipino.

Ibabahagi naman ng mga kinatawan ng Home Extension Division ang kanilang natutunan sa mga kababaihan na myembro ng Rural Improvement Club (RIC) ng ibat-ibang barangay sa lungsod bilang isang proyektong pangkabuhayan na mapapagkunan ng pagkakakitaan. (PIO Batangas City)