- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
“With great power, comes great responsibility." Ito ang sikat na quote mula sa pelikula ng Marvel na Spiderman.
- Details
- Wednesday, 09 September 2020 - 4:10:41 PM
Ito din ang kasabihan na pinaniniwalaan ni Jheelan Ocon ng barangay Kumintang Ibaba. Viral ngayon ang kanyang video sa social media kung saan siya ay nagdedeliver sa mga bahay-bahay ng naka- Spiderman superhero costume. Ayon sa kanya, ginawa niya ito upang magampanan ang kanyang responsibilidad sa kanyang pamilya.
Kwento ni Jheelan, siyam na taon siyang nagtrabaho bilang IT Supervisor at technical support specialist sa Makati subalit nagdesisyon na umuwi noong Disyembre ng nakaraang taon upang maalagaan ang partner na maysakit at ang kanilang tatlong anak.
Sinubukan niya ang ihaw-ihaw business ngunit hindi pumatok kung kayat nang magsimula ang community quarantine, nagdesiyon siyang itayo ang JHEEPabili delivery services upang maitaguyod ang kanilang mag-anak. “Dahil limitado lamang ang maaaring lumabas ng bahay, maganda itong gawing negosyo. Maaaring silang magpabili ng pagkain at groceries sa supermarket at magpabayad ng utility bills”, ayon kay Jheelan. Makalipas ang ilang buwan, naisip nyang sundin ang payo ng kanyang kaibigan na gamitin ang Spiderman costume na regalo nito sa tuwing siya ay magdedeliver. “Bukod sa nagsisilbing proteksyon sa COVID19, magandang gimik ito upang makahikayat ako ng mas maraming kliyente, “ sabi ni Jheelan.
Binigyang diin niya na mula ng ginawa niya ito ay dumami ang kanilang customer kung kayat lubos ang kanyang pasasalamat dahil bahagi ng kanyang kita ay ginagamit na panggastos sa pagda-dialysis at sa pagbili ng maintenance na mga gamot ng kanyang partner na may chronic kidney disease. “Sa kabila ng aking pinagdadaanan, masaya ako na nakakapagdulot ako ng aliw at tuwa sa aking mga customer na nagpapadeliver lalo na sa mga bata,” ayon kay Jheelan. “Dahil nagtrending ako, nagpapasalamat ako na mas marami ang nagtitiwala ngayon sa akin tulad ng mga OFW na nagpapadala ng pera para sa kanilang pamilya, nagpapabayad ng tuition at mayroon ding nagpapawithdraw sa ATM,” dagdag pa niya
Nakapagdagdag na din siya ng dalawa pang rider na kanyang mga kapitbahay na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Plano niya na makaipon ng sapat na halaga upang magamit sa kidney transplant operation ng kanyang kabiyak. Payo naman niya sa mga tulad niya na dumaraan sa pagsubok na huwag panghinaan ng loob at huwag sumuko. “Magdasal at manalig kyo sa Diyos dahil hindi Niya kayo dadalhin sa isang sitwasyon na hindi ninyo makakayanan at malalampasan,”pagtatapos niya. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.