- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tatlong residente ng barangay Dela Paz na nawawala, natagpuan na
- Details
- Tuesday, 27 October 2020 - 4:56:31 PM
Nakabalik ng ligtas sa kani-kanilang pamilya ngayong araw ang tatlong residente ng barangay Dela Paz Proper na naiulat na nawawala matapos hampasin ng malalakas na alon ang kanilang sinasakyang bangkang pangisdaan na naging dahilan ng paglubog nito noong ika-25 ng Oktubre.
Ang mga ito ay nakilalang sina Ronaldo Lumanglas , 43 at dalawang pamangkin na edad 10 at 11 na magkakasamang pumalaot bandang alas 7:00 ng umaga noong Linggo. Ito ay sa kabila ng pagbabawal ng pamahalaang lungsod sa mga mangingisda na pumalaot dahil sa panganib ng bagyong Quinta.
Kaagad naglunsad ng rescue operation ang City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) at nakipag-ugnayan sa mga karatig bayan at lalawigan upang mahanap ang tatlo. Nagsagawa din ng imbestigasyon ang Batangas City Police Office.
Ayon sa ulat ng CDRRMO, napadpad ang magtitiyo sa barangay Liponpon, Isla Verde kung saan nakipag-ugnayan ang nasabing tanggapan hinggil sa pagsundo sa mga ito.Kaagad silang isinailalim sa medical check up sa City Health Office (CHO).
Pinakain, binigyan ng tsinelas at sumailalim sa psychosocial debriefing ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ang dalawang bata. Nakatakda ding sumailalim sa counselling ang kanilang pamilya. Dinala rin ang mga ito sa Jesus of Nazareth Hospital para sa masusing medical check-up. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2357
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.