- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Senior citizens sa lungsod, makakatanggap na ng COVID-19 vaccines
- Details
- Friday, 21 May 2021 - 4:30:11 PM
Nakatakdang simulan ang roll-out ng COVID-19 vaccines para sa mga senior citizens ng lungsod o yaong mga nasa A2 priority group bukas, ika-22 ng Mayo, sa Batangas City Convention Center ayon kay Batangas City Health Officer Dr. Rosanna Barrion. Mauunang bakunahan ang mga senior citizens mula sa mga barangay na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na naitala hanggang May 19.
Ayon kay Barrion, halos kumpleto na ang pagbabakuna ng 2nd dose ng sinovac vaccines sa mga health professionals na nasa A1 group. Ibibigay na rin bukas ang Astra Zeneca vaccine sa mga frontliners ng A1 group na pumili ng naturang brand. Ang mga bakuna ay mula sa donation galing sa COVAX Facility sa ibang bansa at ipinamamahagi sa iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.
Maaaring sa 3rd at 4th quarter pa ng taon inaasahang darating ang mga vaccines na binibili ng pamahalaang lungsod ng Batangas. Matatandaang naglaan si Mayor Beverley Dimacuha ng P200 milyon para sa procurement ng COVID-19 vaccines. Samantala, sinagot ni Barrion ang hinaing ng ilang mga netizens hinggil sa tila mabagal na pagdating ng mga COVID-19 vaccines sa lungsod. Binigyang diin niya na hindi kasama ang Batangas Province sa NCR plus kaya hindi priority ang lalawigan.
“Hindi pwedeng ikumpara ang Batangas City sa ibang LGU dahil malaki ang ating populasyon kung kayat mas malaki ang pangangailangan ng lungsod. Hindi din maaaring ikumpara ang lungsod sa ibang bayan at munisipyo sa lalawigan dahil maliit lamang ang kanilang eligible population ng priority groups. Binigyan tayo ng initial delivery subalit sa bilang ng ating mga katatandaan na nais magpabakuna ay kulang na kulang ito.
Gusto naming mabigyan ng bakuna ang lahat ng priority groups pero sadyang kulang ang ibinibigay na vaccines sa atin at ito ay pinararating namin sa kinauukulan para matugunan ang ating pangangailangan, hinihingi po namin ang pang-unawa ng bawat isa”, paliwanag ni Dra Barrion. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.