WalterMart Batangas City, ginawaran ng safety seal

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg

Tumanggap ng Safety Seal certification ang WalterMart bilang pagpapatunay na naipapatupad nito ang minimum public health standards (MPHS) na itinakda sa Joint Memorandum Circular (JMC) No. 21-01 ng ibat- ibang ahensya ng gobyerno, June 30.

Ang seal ay personal na iginawad ni Mayor Beverley Dimacuha. Ang Waltermart ang unang business establishment sa lungsod na nabigyan ng Safety Seal. Sa pagbisita dito ng Safety Seal Inspection and Certification Committee ng lungsod noong nakaraang linggo, nakita nila ang compliance ng WalterMart sa MPHS checklist.

Kabilang dito ang updated na Mayor’s Permit, DTI/SEC registration at DOT accreditation. Gumagamit din sila ng StaySafe.ph app bilang contact tracing tool gayundin ang pagtatalaga ng screening area sa mga entry points kung saan chinecheck at sinusumite ang health declaration ng lahat ng pumapasok sa mall.

Bukod sa implementasyon ng physical distancing, pagsusuot ng face mask, face shields at iba pang safety and health protocols kontra COVID-19, nagtalaga din sila ng safety officers at may referral system para sa medical at psychological services. Nagpahayag ng kagalakan si Mayor Dimacuha dahil napatunayan ng Waltermart na napapangalaagan nito ang kanilang mga mamimili. “Ito ang gusto nating mangyari, economic recovery na protektado ang mga mamamayan” sabi ni Mayor Dimacuha. (PIO Batangas City)