- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Batangas City BFP, wagi bilang Best City Fire Station sa rehiyon
- Details
- Friday, 27 August 2021 - 4:19:02 PM
Tinanghal na Best City Fire Station of CY 2021 ang Batangas City Fire Station sa CALABARZON Region sa isinagawang virtual awarding ceremony ngayong araw, August 27 kaalinsabay ng pagdiriwang ng ika-30 taong anibersaryo ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Nakuha ng BFP Batangas City ang pinakamataas na rating sa nasabing search kung saan ang ginamit na criteria sa pagpili ng magwawagi ay ang implementation ng fire protection programs, overall appearance of the office at personnel preparedness sa ilalim ng revised BFP Programs on Awards and Incentives for Service Excellence (BFP-PRAISE).
Highlight ng nasabing pagdiriwang ang paggagawad ng parangal sa mga Local Chief Executive sa CALABARZON bilang pasasalamat sa suporta na ipinagkakaloob ng mga ito na isa sa mga dahilan upang makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo ang mga myembro ng BFP. Kaugnay nito, ginawaran ng plaque of recognition si Mayor Beverley A. Dimacuha dahil sa patuloy nasuporta at tulong nito sa BFP Batangas City partikular sa pagkakaloob ng pondo para sa pagpapatupad ng Fire Prevention Month activities para sa taong 2020 hanggang 2021.
Ilan pa din sa mga proyekto na naisagawa ng BFP Batangas City sa tulong ng lokal na pamahalaan ay ang repair ng poblacion Fire Sub-station, repair at maintenance ng mga fire trucks gayundin ang gas allocation ng mga ito, pagkakaloob ng medical supplies tulad ng personal protective equipment (PPE), medicines and disinfectants kontra COVID-19, request para sa water tender fire truck at paglagda sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagpapaigting ng implementasyon ng fire enforcement laws.
Tinanggap ni Executive Assistant Serge Atienza na syang kinatawan ni Mayor Dimacuha ang plake mula sa hepe ng Batangas City BFP nasi FCINSP Jeffrey Atienza. Binigyan din ng special awards ang mga private individuals at groups gayundin ang mga volunteer fire brigades.
Nagsilbing guest of honor at speaker sa naturang okasyon si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na nagpaabot ng pagbati sa mga men in uniform ng BFP sa mahusay na pagganap sa tungkulin ng mga BFP personnel sa gitna ng pandemya at sa pagbibigay ng quality service in line with the BFP's mission.
Tema ng 30th BFP Anniversary ay “Salamin ng Nakaraan, Larawan ng Kinabukasan”.(PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.