- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
Tapon to Ipon project, muling isinagawa.
- Details
- Saturday, 13 November 2021 - 2:08:00 PM
Umabot sa 50 kilo ng empty PET bottles ang nakolekta ng mga residente ng barangay Cuta at poblacion 24 para sa
" Tapon to Ipon" project ng Coca- Cola Phils at ng pamahalaang lungsod, November 13.
Ito ang ikalawang pagkakataon ng pagsasagawa ng naturang proyekto sa lungsod kung saan ang mga empty, transparent at klarong PET bottles ay maaaring ipagpalit sa Coca Cola products.
Ang 12 bottles ng single serve o limang 1.5L plastic bottles na ibinalik ay may kapalit na Coke mismo, Wilkins 500 o Nutriboost.
Ang mga nakolektang empty PET bottles ay dinadala sa recycling facility ng kompanya.
Ayon kay Coca-cola Stakeholder Relations Director Atty. Mark Anthony Cox,
layunin ng kanilang proyekto na maiwasan ang pagkakalat ng mga plastic bottles sa mga estero, dagat at iba pang lugar.
Ang Batangas City aniya ang kauna-unahang partner nila sa nasabing proyekto kung saan kitang kita ang suporta ng lokal na pamahalaan at mga residente.
"Nakakakolekta kami ng 150 kilos ng empty PET bottles sa bawat linggo sa collection bins namin." sabi ni Cox.
Nagpaabot ng pasasalamat si Coca-cola Batangas Area Manager, Allan Lao, kay Mayor Beverley Dimacuha at sa City Environment Office sa suporta ng mga ito sa proyekto.
"Iniipon talaga ng mga residente ng lungsod ang empty PET bottles kaya naman halos wala na tayong makitang kalat sa paligid ngayon, " pagbibigay diin ni City ENRO Oliver Gonzales. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.