- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
SINAG at Biyahero program, inilunsad sa barangay Ambulong
- Details
- Thursday, 25 November 2021 - 4:59:51 PM
Pinangunahan nina Pilipinas Shell Petroleum Corporation (PSPC) South Luzon Area Terminal Manager Anna Estandarte at Pilipinas Shell Foundation Inc. (PSFI) Executive Director Sebastian Quiniones ang turn over ceremony ng solar powered streetlights sa barangay Ambulong noong ika-24 ng Nobyembre.
Ito ay sa ilalim ng Save, Invest and Nurture Access to Green Energy and Technology (SINAG) project ng Shell Import Facilities (SHIFT) na naglalayong makapagbigay ng karagdagang liwanag sa mga daan at mabawasan ang pagkakaroon ng mga aksidente sa national highway na nasasakupan ng nabanggit na barangay. Magugunita na noong Enero 2021, nag-install din ang SHIFT ng solar power street light posts sa barangay San Isidro.
Lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang PSFI, Pangulong Manolo Macatangay ng barangay Ambulong at Pangulong Andres Malibiran ng barangay San Isidro bilang simbolo ng commitment para sa naturang proyekto. Kaugnay nito, nagkaloob din ang nasabing kompanya ng Road Safety and DRRM Materials Tools and Equipment sa nasabing mga barangay kabilang ang barangay Libjo upang magamit nila sa disaster response tulad ng fire extinguisher, chain saw, ropes, bolo, shovel, traffic cones, stop and go traffic devices, reflectorized vest at iba pa.
Ito ay sa ilalim ng Biyahero (Be a Hero) program na naglalayong masiguro ang kaligtasan sa kalsada partikular ng mga kabataan. Naglagay din ng mga road signages at road safety support tulad ng pedestrian lane, thermoplastic pavement parkings, pedestian crossings, reflectorized cones at yellow lanes. May 31 community volunteers ang sumailalim sa pagsasanay para maging maintenance team ng solar powered streetlights habang may 56 indibidwal naman ang nagtrain sa road safety na makakatulong sa pagpapatupad ng nabanggit na programa.
Lubos ang pasasalamat ng pamunuan ng mga naturang barangay at binigyang diin na ang SINAG at Biyahero program ay pagpapatunay ng magandang ugnayan ng PSPC sa mga host barangays nito. Sinabi naman ni Batangas City Police Station Chief PltCol. Gerry Laylo na nabawasan ang mga road accidents sa mga nabanggit na barangay mula nang ipatupad ang mga programa ng PSPC. Isinagawa ang ceremonial switch on ng solar powered streetlights pagkatapos ng turn over ceremony. (PIO Batangas City)
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
VAWC Batangas City : 09568267017
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.