TINGNI: Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang bokashi ball throwing na isinagawa sa Calumpang River ngayong araw, October 12.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 29.jpg 3.jpg 30.jpg 31.jpg 32.jpg 33.jpg 34.jpg 35.jpg 36.jpg 37.jpg 38.jpg 39.jpg 4.jpg 40.jpg 41.jpg 42.jpg 43.jpg 44.jpg 45.jpg 46.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

 

TINGNI: Pinangunahan ni Mayor Beverley Dimacuha ang bokashi ball throwing na isinagawa sa Calumpang River ngayong araw, October 12. Ang bokashi ball ay isang bioremediation technology mula sa Japan. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga ito ay mula sa mga organic material na nakakatulong sa pagpapabuti ng kalidad ng tubig sa mga ilog, lawa, at kanal.

Ang bawat bola ay may “effective microorganisms” na nakakatulong sa pagbubulok ng mga nakakalasong kemikal at syang kumakain ng masamang bacteria sa tubig Nakakatulong din ito sa pagpigil ng pagkakaroon ng mga algae at sludge at nagpapabango ng tubig. Sa pamamagitan ng nabanggit na gawain, hangad ng city government na mapalaganap ang kamalayan sa pangangalaga sa ilog Calumpang.

Kaugnay nito, hinikayat ni Mayor Dimacuha ang pagkakaroon ng disiplina upang mapanatili ang kalinisan ng nabanggit na ilog. Hiniling din ni City Environment Officer Oliver Gonzales ang suporta ng mga kalapit bayan ng Batangas City sa inisyatibong ito upang maitaas ang klasipikasyon ng Calumpang river mula sa Class D (non-potable) patungo sa Class B (recreational water). Nanawagan siya sa lahat na iwasan ang pagtatapon ng basura at dumi ng hayop sa paligid dahil ang mga ito ay nakakarating sa ilog Calumpang.

Ang paghahagis ng daang libong bokashi balls ay isinagawa sa Calumpang bridge, Bridge of Progress at Bridge of Promise. Nakiisa sa naturang makabuluhang gawain sina Vice Mayor Alyssa Cruz, mga myembro ng Sangguniang Panglungsod, Department Heads at mga kawani ng local na pamahalaan. Dumalo din ditto ang mga Environment Management Specialists ng DENR na sina Brian Carlo Tejada John Arwin Keith Asia, John Michael Parrilla at Rene Rendon. Ang naturang gawain ay pinangasiwaan ng City Environment Office. (PIO Batangas City)