TINGNI: Humigit kumulang sa 100 buntis sa lungsod ang dumalo sa Buntis Congress na ginanap sa Batangas City Sports Center noong October 13.

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: Humigit kumulang sa 100 buntis sa lungsod ang dumalo sa Buntis Congress na ginanap sa Batangas City Sports Center noong October 13.
Ang programang ito ng City Health Office (CHO) ay naglalayong magabayan ang mga kababaihan sa kanilang pagdadalantao hanggang sa kanilang panganganak.

Hangad din nito na pataasin ang tsansang mabuhay ng mga buntis upang mabawasan at maiwasan ang maternal death.
Tinalakay sa Buntis Congress ang Maternal Roles at Importance of Pre-Natal Check-up at Post Natal Care kung saan naging resource speaker si Obstetrician-Gynecologist (OBGYNE) Dr. Nilo Alcoreza.

Nagbahagi siya ng mahahalagang impormasyon upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis at ang kailangang nutrisyon ng ina at sanggol bago, sa panahon at pagkatapos ng pagbubuntis.

Binigyang diin niya na responsibilidad ng ina na alagaan ang kanyang sarili upang magkaroon ng malusog na baby.
Ipinaliwanag din niya ang kahalagahan ng pre-natal check-up, prevention screening at paghahanda sa panganganak.

Bukod sa mga lecture, sumailalim din ang mga participants sa dental check-up at complete blood count (CBC) na isinagawa ng mga kawani ng CHO.
Nagsilbing kinatawan ni Mayor Beverley Dimacuha si Vice Mayor Alysa Cruz.

Hinikayat naman ni City Health Officer Dr. Rosanna Barrion ang mga nanay na pangalagaan ang kanilang mga kalusugan upang matiyak ang ligtas na pagbubuntis.

Bahagi ng pagtitipon ang Buntis Got Talent 2023 kung saan nagpasiklaban sa galing sa pag sayaw at pag-awit ang mga buntis mula sa ibat-ibang barangay.

Nagwagi ng unang pwesto si Marian Lastimosa ng barangay Sta Clara, 2nd place si Amy Escala ng Calicanto at ikatlong gantimpala ang nakuha ni Nurhaifa Palman ng barangay Wawa.

Sila ay tumanggap ng cash prize at certificate bilang papremyo.
Tema ng Buntis Congress ngayong taon ay “Buntis na Responsable at Aktibo, Daan Patungo sa Malusog at Agresibong Kalusugan ng Mag-ina” (BRAD MAM). (PIO Batangas City)