Las Flores A Maria La Batangueña, itinanghal sa lungsod

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Isang staged-musical performance ang itinanghal ng pamahalaang lungsod bilang pagdiriwang ng Flores de Mayo noong May 28.
Ito ay ang Las Flores A Maria La Batangueña”

Binigyang pagkilala at pagpapahalaga dito ang makabuluhang papel ni Maria sa buhay ni Kristo na siyang nagpapatibay ng pananampalataya ng mga Katoliko.

Ipinabatid din kung paano nagsimula ang naturang tradisyon sa bansa.
Bilang pagbibigay pugay sa Birheng Maria, inalayan siya ng mga awitin at sayaw ng iba’t ibang grupo ng musicians at dance troupes mula sa Batangas City at ibang bayan.

Naging bahagi rin ng pagtatanghal ang Santacruzan kung saan ang mga sagala at ang kanilang dalang kagamitan ay ayon sa nasusulat sa Bibliya.

Nagpasalamat si Mayor Dimacuha sa lahat ng bumubuo ng produksyon sa makabuluhang pagtatanghal ng Las Flores A Maria La Batangueña.