TINGNI: May 737 estudyante ng Alternative Learning System (ALS) sa Batangas City ang nagtapos sa Senior Highschool

  1.jpg 2.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg

TINGNI: May 737 estudyante ng Alternative Learning System (ALS) sa Batangas City ang nagtapos sa Senior Highschool at 131 naman sa elementarya, June 3.

Ang ALS ay isang non formal education na nagbibigay ng pagkakataon sa mga hindi makapag aral sa formal education upang matapos nila ang kanilang elementary o highschool education at maipagpatuloy ito sa kolehiyo o hanggang matapos ang kanilang pag-aaral.

Sa mensahe ni Mayor Beverley Dimacuha, pinuri niya ang mga pagsisikap at determinasyon ng mga ALS students na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral upang mabago ang kanilang buhay at maabot ang kanilang mga pangarap. Hindi aniya hadlang ang kawalan ng kakayahang pinansyal upang hindi makapagtapos at umunlad.

Nagpasalamat siya sa mga ito na bagamat may mga edad na at may mga pamilya na ay hinarap pa rin ang hamon ng buhay at kinilala ang kahalagahan ng edukasyon. Pinayuhan niya ang mga nagsipagtapos na lumingon sa mga taong nakatulong sa kanila at tulungan ang kanilang pamilya na umangat kapag sila ay nagtagumpay na.

Lubos ang pasasalamat ng mga graduates dahil nabigyan sila ng pagkakataong makapag-aral. (PIO Batangas City)