Best Float, muling napanalunan ng BatStateU - The National Engineering University

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 17.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 22.jpg 23.jpg 24.jpg 25.jpg 26.jpg 27.jpg 28.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

Hindi napigilan ng masamang panahon ang Sublian Float Parade na highlight ng pagdiriwang ng 55th Batangas City Foundation Day, July 23. Humigit kumulang sa 30 floats mula sa ibat-ibang establisyimento, institusyon, paaralan at mga samahan ang lumahok sa naturang parada.

May 14 na floats naman ang nagpabonggahan sa float parade competition sa temang Pamanang Kinagisnan, Kulturang Pinagyayaman.

Ipinakita ng mga kalahok ang kanilang artistic creativity gamit ang mga indigenous materials at mga naggagandahang bulaklak. Tinanghal na Best Float ang entry ng Batangas State University -TNEU na nagwagi ng trophy at cash prize na P200,000.

Ikalawang gantimpala ang float ng University of Batangas, third prize ang Citimart Group of Companies, 4th place ang World Class Batangas Foundation at ikalimang pwesto ang napanalunan ng Prime Energy Resource Development.

Ang parada ay nagsimula sa SM Hypermarket sa barangay Balagtas kung saan tumagpo ang mga streetdancers sa Capitolio at sa D. Silang naman ang mga walking contingents papunta sa poblacion sa harap ng City Hall. (PIO Batangas City)