May 223 beneficiaries mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod ang nakatanggap ng medical at funeral assistance

  1.jpg 10.jpg 11.jpg 12.jpg 13.jpg 14.jpg 15.jpg 16.jpg 18.jpg 19.jpg 2.jpg 20.jpg 21.jpg 3.jpg 4.jpg 5.jpg 6.jpg 7.jpg 8.jpg 9.jpg

TINGNI: May 223 beneficiaries mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod ang nakatanggap ng medical at funeral assistance mula sa pamahalaang lungsod, July 29.

Personal na iniabot ni Mayor Beverley Dimacuha ang naturang tulong pinansyal na nasa ilalim ng programang Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS).

Ang pamamahagi ay pinangasiwaan ng mga kawani ng Mayor’s Action Center (MAC) sa People’s Quadrangle.

Bukod sa hospital bill at maintenance medicine, tinutugunan din ng programang ito ang pangangailangan sa chemotherapy, hemodialysis at iba pang special treatment.

Sa mga nagnanais mag-apply nito, makipag-ugnayan lamang sa tanggapan ng MAC o tumawag sa 723-1511.
Nakatakda namang matanggap ng 193 pang benepisyaryo ang nabanggit na tulong mula sa lokal na pamahalaan bukas.
Dumalo din sa nabanggit na distribusyon ang mga myembro ng Team EBD.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo