- Home
-
About
- General Information
- City Profile
-
City Government
- Barangays
-
Resolutions and Ordinances
- Resolutions
- Ordinances
- Public Hearing
- Publications
-
Business
- Setting Up a Business
- Online Business Services
- Cost of Doing Business
- Local Ordinances & Issuances
- Metro Batangas Business Club
- Awards and Recognitions
- Socio-Economic Physical & Political Profile
- Brochure/Sectoral Profile/Investment Brief
- Safety Seal Certificate
- Downloadable Forms
- Citizen's Charter
- Citizen's Charter Online Registration/Renewal
- BPLO Citizen's Charter Handbook
-
Tourism
- Local Heritage
- Tourist Information
- Travel Information
- Lenten 2022
- Videos
- CAREERS
- Contact Us
LIBRENG TITULO NG LUPA, 20 ANG NAKINABANG
- Details
- Friday, 19 July 2024 - 10:30:00 AM
May 20 residente mula sa ibat-ibang barangay sa lungsod ang libreng nakapagpatitulo ng lupa sa pamamagitan ng mas pinalawak na programa ng Handog Titulo ni Mayor Beverley Dimacuha para sa mga Batangueno, July 19.
Ang free land titling program ng pamahalaang lungsod ay inilunsad ni dating Mayor Eddie Dimacuha noong 2014 at ipinagpapatuloy ni Mayor Beverley.
Sa ilalim ng programang ito na isinagawa sa ikasiyam na pagkakataon,, libre at mas mabilis ang proseso ng pagpapatitulo ng agricultural at residential na lote na kalimitan ay tumatagal ng isang taon o mahigit pa.
Ang Public Land Titling and Survey Program ay alinsunod sa Republic Act No 10023 na naggagawad ng kapangyarihan sa pagbibigay ng free patents sa lupang residential at agricultural sa pamamagitan ng partnership ng DENR (CENRO & PENRO) at LGU (City ENRO) sa pagpoproseso ng titulo ng lupa.
Ang pwedeng patituluhan ay residential lot na 500msq.m. at pababa at agricultural lot na 501 sq.m. hanggang limang ektarya.
Ayon sa mensahe ni Mayor Dimacuha, hangad niya na makatulong ang nasabing programa sa mga beneficiaries upang maging maalwan ang proseso ng pagpapasa o pagpapamana nito sa kanilang mga anak.
Hiling niya na mapagyaman ng mga ito ang kanilang lupa at huwag aniyang maging dahilan ng gulo sa pamilya o magkaka mag-anak.
Binigyang diin naman ng keynote speaker na si Assistant Regional Director for Technical Services ng DENR-CALABARZON Eriberto Sanos na ang titulo ang absolute proof of ownership.
Sa pamamagitan din aniya ng titulo, ay tataas ang value ng lupa at ito ding dokumentong ito ang magsisilbing proteksyon sa mga may-ari ng lupa.
Sa pamamagitan ng isang audio-visual presentation (AVP), nagpasalamat ang mga beneficiaries sa Land Management Council (LMC) na siyang namamahala ng programang ito.
Ang LMC ay binubuo ng iba’t ibang departamento ng pamahalaang lokal katuwang ang Department of Agrarian Reform, Clerk of Court, Register of Deeds at Metro Batangas Business Club.
Nagkaroon din ng ceremonial signing ng Memorandum of Agreement for the preparation and drafting of Forest Land Use Plan (FLUP) na nilagdaan nina Mayor Dimacuha at Asst. RD Sanos.
Ito ay sinaksihan nina Vice Mayor Alyssa Cruz, City Environment Officer Oliver Gonzales, PENR Officer Noel Recillo, Lipa CENR Officer Allan Estillore, CPD Officer Gilda Godoy at Councilor Armando Lazarte na syang Chairman ng Committee on Environment and Urban Development, Land Use and Zoning
Dumalo din sa free patent awarding ceremony sina City Administrator Sonny Godoy, City Assessor Engr. Ruel Bool at ang kinatawan ng Liga ng mga Barangay na si dating Barangay Chairperson Digna Fajarito.
Ang naturang okasyon ay pinangasiwaan ng mga kawani ng City Environment Office.
#PalakatBatangasCity #PIOBatsCity #EtoBatangueñoDisiplinado #MagkatuwangTayo #EBDmagkatuwangtayo
#batangascity55thfoundinganniversary
Latest News
- Fire Square Road Show, itinaguyod ng Bureau of Fire Protection (BFP) Batangas City
- Tinanghal na That's My Boy – Outstanding KAB Scout si Christian Kyle Guevarra ng District 6
- Shell Pilipinas Corporation culminated the rolling out of the Master of Disaster (MOD) program in Batangas City at the Schools Division Office (SDO) last September 6
Emergency Hotlines
Mayor's Action Center : 723-1511
BFP Batangas City : 425-7163
PNP Batangas City : 723-2030
Nazareth Hospital : 723-4144
Batangas Medical Center : 723-0911
CDRRMO : 702-3902
Philippine Red Cross: 723-3027
City Social Welfare Dev’t : 723-2208
City Health Office : 723-8890
LTO Batangas City : 740-9738
LTO Batangas City : 740-9738
Contact Info
Mayor Beverley Rose A. Dimacuha
Batangas City Hall Complex,
P. Burgos Street, Barangay 17,
Batangas City, Batangas
Philippines 4200
Tel: +63 (043) 723-1511
Fax: +63 (043) 723 1558
This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.