Batangas City Police Station wagi bilang Best Component City Police Station sa buong lalawigan

  1.jpg 2.jpg

TINGNI: Ginawaran ng karangalan bilang Best Component City Police Station sa buong lalawigan ang Batangas City Police Station (BCPS).

Ang award ay ipinagkaloob ng Batangas Provincial Police Office (BPPO) at iginawad sa culminating ceremony ng 29th PCR Month Celebration noong July 31.

Ang naturang parangal ay ipinagkaloob dahil sa kanilang katangi-tanging pagganap sa tungkulin at mahahalagang achievements na higit na nagpatibay sa magandang ugnayan ng kapulisan at komunidad.

Kinilala rin ang dedikasyon ng BCPS sa pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa lungsod, pagpapatupad ng mga kaugnay na programa, outreach projects at partnership sa iba’t ibang pampubliko at pribadong ahensya.

Ang certificate of recognition ay tinanggap ni OIC Chief of Police PLTCOL Jephte Banderado.