Error
  • JFolder: :files: Path is not a folder. Path: /home/batangas/public_html/web/images/News/2024/August/2/a/

Batangas City 10-year SWMP, iprinesenta

 

Iprinesenta ni City Environment and Natural Resources Officer (City ENRO) Oliver Gonzales ang draft ng Batangas City 10- Year Solid Waste Management Plan (SWMP) 2025-2034 sa mga Department Heads at iba pang miyembro ng SWM Board (SWMB), August 2.

Ang naturang draft ng SWMP ay nabuo mula sa 3-araw na Writeshop on Enhancing the 10-year SWMP na itinaguyod ng SWMB noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Nakapaloob sa plano ang wasto at epektibong pamamaraan ng pangangasiwa ng basura na naglalayong mabawasan ang dami ng mga basurang nakokolekta sa mga kabahayan at itinatapon sa sanitary landfill at upang higit na mapalakas ang waste diversion at recycling.

Target ng Batangas City ang 65% waste diversion sa taong 2025 na may 2% increase sa waste diversion sa kada tatlong taon, o 71% waste diversion sa taong 2034.

Kaugnay nito, higit na palalakasin at palalawakin ang mga SWM programs at activities kagaya ng Ka-BRAD, information education campaign (IEC), at capacity building ng SWMB.

Hihikayatin din ang aktibong partisipasyon ng lahat ng sektor sa komunidad at mas maigting na enforcement para sa SWM laws and ordinances.

Mahigpit na ipatutupad ang waste segregation at source, improvement sa waste storage system at garbage system, at magkakaroon rin ng institutionalize monitoring at evaluation para matiyak ang tagumpay ng mga programa at gawain.

Ang naturang draft ng SWMP ay isusumite sa DENR CALABARZON at sa National Solid Waste Commission (NSWC) para ma-review bago i-endorso sa Sangguniang Panglungsod.

Dumalo sa naturang presentation ang ilan sa mga nakatulong sa pagbuo ng Draft ng Batangas City 10-year SWMP 2025-2034 ang Executive Director ng PLLENRO Inc. na si Danilo Villas at si Honorary Member Erlinda Cuenca.

Ang nabanggit na gawain ay pinamahalaan ng City ENRO.

#PalakatBatangasCity
#PIOBatsCity
#EtoBatangueñoDisiplinado
#MagkatuwangTayo
#EBDmagkatuwangtayo