Mariño at Dimacuha prinoklamang congressman at mayor ng Batangas City

news-72-01.jpg news-72-02.jpg news-72-03.jpg news-72-04.jpg

Pormal nang iprinoklama si Marvey Marino bilang kauna-unahang House Representative ng 5th district ng Batangas City at ang 45 taong gulang na si Beverley Dimacuha bilang bagong Mayor ng lungsod isang araw matapos ang May 9 elections.

Si Dimacuha ay nakakuha ng 85,962 na boto laban sa kanyang kalaban na si Councilor Kristine Balmes na nakakuha lamang ng 55,866 na boto.
Ang proclamation niya ay binasa ni Acting Election Offier Erlinda Candy Orense kasama sina City Prosecutor Bien Patulay at si Dr. Victoria Fababier, chief, Schools Governance and Operations Division, Schools Division of Batangas City bilang Board of Canvassers sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.

Ang iba pang iprinoklama ay ang walang kalaban na sina Vice-Mayor June Berberabe at mga miyembro ng Sanggguniang Panlungsod na sina re-electionists Aileen Arriola-ang nangungunang konsehal-, Dr. Glen Aldover, Serge Atienza, Hamilton Blanco, Alyssa Cruz, Armando Lazarte, Julian Villena, Gerry de la Roca at mga bagong konsehal na sina Oliver Macatangay, Karlos Buted, Nelson Chavez at dating konsehal na si Nestor Dimacuha.

Ang proclamation naman ni Marino ay ginanap sa Session Hall ng Sangguniang Panlalawigan bandang ala una ng hapon kasama ang mga bagong halal na Boardmembers na sina Claudette Ambida at Arthur Blanco.

Nagpahayag ng pasasalamat sa kanilang mga constituents sina Mayor Dimacuha at Congressman Marino sa suporta at pagtitiwala sa kanila at nanawagan sa lahat na magkaisa at magtulong tulong tungo sa isang mas maunlad na lungsod.
Isa ang Batangas City sa nagkaroon ng isang tahimik at maayos na halalan sa tulong ng Batangas City Police.

Ilan sa mga naging problema noong botohan ay ang malfunction ng ilang mga vote counting machines at ang mga hindi makitang pangalan ng mga botante sa list of registered voters.

May kabuuang 202,421n registered voters sa Batangas City. (PIO Batangas City)

 

 
Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.