Development plans ni Rep. Mariño inilahad

13151835_1758926357677300_6615493375770496027_n.jpg

Sinabi ni Rep. Marvey Mariño, na gagawa siya ng mga batas na papakinabangan hindi lamang ng Batangas City kundi ng buong bansa at may vision na mahubog ang lungsod bilang isang development center na makakatulong sa kaunlaran ng mga karating na munisipyo ng probinsiya.

Si Mariño ang kauna-unahang congressman ng Batangas City na nadeklarang ika-limang district ng Batangas Province noong isang taon kung kayat ang kanyang pagkapanalo ay itinuturing na makasaysayan.

“Nagpapasalamat ako sa ating mga kababayan sa suportang ipinagkaloob ninyo sa akin at ako’y natutuwa na naging mapayapa at maayos ang ating eleksyon at nasunod ang boses ng mga tao. Ngayong tapos na ang eleksyon, dapat ay wala ng siraan at kung ako man ay may nasabing mali ay humihingi ako ng pasensya . Tayo sana ay magkatulong-tulong upang maitaguyod ang ibayong kaunlaran ng lungsod,” sabi ni Mariño.

Isa sa tututukan niya ay ang sektor ng agrikultura kung saan magsasagawa siya ng research kung ano pa ang mga batas na kailangan. Isa sa kanyang nais gawin ay ang pagbuo ng batas na magbibigay ng full scholarship sa mga kukuha ng kurso sa agkrikultura sa mga state universities upang mahikayat ang marami na kumuha ng kursong ito at magsilbing insentibo tungo sa pagkakaroon ng “second generation of farmers.” Kung uunti na aniya ang mga interesado sa farming sector, magkakaroon ng problema sa food security at kung magkukulang ang bansa sa produksyon, mas malaki ang gastos sa food importation.

Isusulong din niya ang ibayong infrastrasturure projects sa lungsod kagaya ng mga kalsada at tulay bilang suporta sa pagpaparami ng investments, mga trabaho at solusyon sa traffic congestion. “Kapag nakapagdala ako ng maraming projects sa tulong ng national government, mas magkakaroon ng budget allocation ang pamahalaang lungsod para sa pagpapalawak ng mga serbisyo nito kagaya ng healt card, educational assistance at scholarship programs. Mahalaga din na magkatugma ang mga programa ng mayor at ng congressman.”


Ipinabatid niya na isa sa mga nayaring proyekto upang maibsan ang traffic congestion mula Batangas City-Bauan ay ang konstruksyon ng Balagtas-Balete road hanggang sa boundary ng San Jose kung saan gumastos ng P20milyon ang provincial government, may kabahagi rin ang Department of Public Works and Highways habang P50 milyon naman ang ginastos ng pamahalaang lungsod upang matapos ang kalsadang ito. “Isa itong malaking alternative road sa mga papunta sa Taal at Lemery upang hindi na dumaan ng San Pascual at Bauan."

Dapat ding amendahan ang zoning ordinance kung saan kailangang magkaroon ng ibang daan para sa mga malalaking trucks at container vans upang huwag magsikip ang diversion road na dinadaanan ng mga ito dahil pag nagtraffic ang daang ito ay apektado na ang ibang major roads.

Gagawa rin siya ng pamamaraan upang maakit ang mga investors sa pamamagitan ng pagbibigay ng insentibo sa mga ito Mahalagang mapalago ang Public-Private Partnership projects sa lungsod kung saan pwedeng pumasok ang pagpapalago ng turismo kagaya ng development ng Mt. Banoy. Upang maisulong ang investments sa turismo, dapat aniyang may isang master plan upang malaman kung saan ang mga areas na may potential para sa turismo. Kayat mahalaga aniya na may magandang ugnayan sa national government upang maisulong ang mga proyektong pangkaunlaran sa lungsod.

Tinuturing ng congressman-elect na magandang ideya ang Metro Batangas kung saan ang lungsod ay laging sentro ng kaunlaran na mag-eexpand sa mga karatig na munisipyo kagaya ng San Pascual at Bauan. Bilang isang port city, dapat ding may development para sa mga transients na dumarating dito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng higit na access at opportunities para sa kanila.
Ipinabatid din niya na tuloy ang P1 billion- loan para sa pagpapatayo ng ikatlong tulay at iba pang proyekto habang ang development naman ng Grand Terminal na inaasahang magdadala ng ibayong income sa lungsod at hanapbuhay sa marami ay “magsisilbing modelo na gagayahin ng ibang local government units.”(PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.