EBD-type high school building Inauguration

news-68-01.jpg news-68-02.jpg news-68-03.jpg news-68-04.jpg news-68-05.jpg news-68-06.jpg news-68-07.jpg news-68-08.jpg news-68-09.jpg

BATANGAS CITY- Isang bagong disenyo at modernong EBD-type high school building ang pinasinayaan sa Barangay Gulod Itaas noong ika 3 ng Mayo.

Ito ay may tatlong palapag kung saan ang bawat palapag ay maroong tig lilimang silid aralan. May sariling comfort room rin bawat palapag para sa babae at lalaki. Ang lupang kinatatayuan nito ay may sukat na 1,552 square meters at pinondohan ng pamahalaang lungsod ng mahigit na P35 milyon.

Ayon sa principal ng naturang paaralan na si Charity Magadia, ang paaralan na sinimulan ang konstruksyon noong October 21, 2015 at natapos nitong Marso 2016 ay isa pang suporta ng pamahalaang lungsod sa K-12 program.

Ang ribbon-cutting ay pinangunahan nina Bokal Marvey Marino at Ms. Beverley Dimacuha. Dumalo rin dito ang OIC ng City Schools Division na si Dr. Donato Bueno. LIZA (PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.