3,000 trabaho alok, sa Labor Day Jobfair 2016 sa Batangas City

news-67-01.jpg news-67-02.jpg news-67-03.jpg news-67-04.jpg news-67-05.jpg news-67-06.jpg news-67-07.jpg news-67-08.jpg

BATANGAS CITY – May 3,165 trabaho para sa local at overseas employment ang inialok sa mga aplikante sa ‘Handog ni Mayor Eduardo Dimacuha, Trabaho para sa mga taga Lungsod ng Batangas’ noong April 27 sa Batangas City Sports Coliseum.


May 52 kumpanya kung saan pito ay overseas employers na may 600 job vacancies ang lumahok sa Labor Day job fair na magkasamang itinaguyod ng City Public Employment and Service Office(PESO) at Provincial Department of Labor and Employment sa temang “Kinabukasan Sigurado sa Disenteng Trabaho”. May 481 katao ang nakapag apply ng trabaho sa isang araw na job fair.


Ilan sa mga overseas jobs ay engineers, nurses, doctors, operators, at technicians habang sa local naman ay secretaries, service crew, store managers, sales agents, information technology workers , programmers at iba pa.


Ayon kay Emma Tan, provincial director ng DOLE , maraming trabaho ang naghihintay sa mga aplikante lalo na yuong mga bagong graduates. Payo niya na magdala sila ng maraming kopya ng resume at iba pang mahahalagang dokumento na madalas hinihingi sa mga aplikante tulad ng NBI at police clearance, valid ID, at iba pa. Ang pagkakaroon ng lahat ng nakahandang dokumento sa pre-employment ay magpapadali sa job selection at pagpoproseso ng employer. “This will increase the chances of applicants to be hired-on-the-spot ,” dagdag ni Tan.


Ayon naman kay PESO Manager Noel Silang, para matiyak na magiging maayos at mabilis ang pagpo proseso ng aplikasyon at iba pang dokumento, nakipag ugnayan sila sa NBI at Social Security System (SSS) na magtayo rin ng kanilang sariling booth sa lugar ng job fair. Sinabi pa rin niya na ang mga aplikante ay dapat mag suot ng angkop na damit at maging handa sa mga interview. (PIO Batangas City)

 

Sa kanyang muling pagbabalik, ganap ng hepe ng Batangas City Police si Police Supt. Danilo Mendoza ng siya ay umupo noong gabi ng January 9, ilang oras bago ipatupad ang ban ng Commission on Elections sa transfer o movement ng mga officers at employees sa civil service tuwing election period.